You come to love not by finding the perfect person, but by seeing an imperfect person perfectly.
*********
Twisted's POV"Are you sure?" tanong ko kay Miss fortune.
"Yes... I'm not fake as you think." Kiming sagot niya.
Tinititigan ko siya at ngayon ko lang narealized na berde pala ang kulay ng mga mata niya.
Andito kami ngayon sa isang restaurant kung saan sinabi ni Mommy na maghihintay siya.
Yeah, pumayag ako sa suhestyon ni Mom na bigyan ng chance ang manghuhulang 'to. All i have to do is ask for her advise.. And her card's reading.
"Sige nga, kung totoong manghuhula ka. Nakikita mo ba ang babaeng 'yun?" tanong ko sa kanya at itinuro ang isang babae sa isang mesa na kasalukuyang umiiyak.
"Ahuh..." tumango siya.
"Can you tell me... What's going on in her mind at umiiyak siya?" cool na sabi ko.
"She lost her boyfriend sa isang aksidente, kaya every anniversary nila. Pumupunta siya rito sa restaurant na 'to, kung saan dito rin niya sinagot ang boyfriend niya."
I raised my brow. "Talaga lang huh?"
"Yep.. Ayaw mong maniwala? Puntahan mo pa. Tanungin mo."
"No need, the way you said those words, siguradong sigurado ka. Na para bang magkakilala na kayo?"
Tumawa ito. "Hindi niya ako kilala. But my senses told me ..na ang pangalan niya ay nagsisimula sa letter J."
"We'll see." tumayo ako at pinuntahan ang babae.
"Hey, Miss. Are you okay?" tanong ko. At tumigil ito sa pag-iyak.
Mahinang tumango ito."Y-yes."
"I would like to ask if you happened to know that girl?" at tinuro ko si Miss Fortune na nakalumbaba.
"No. Hindi ko po siya kilala." sabi niya at tinititigan ko siya ng matiim. Baka kasi nagkukunwari lang 'to.
"Okay. I'm Pierce and your name is..?" tanong ko.
"Jane." tipid na sagot niya. At nagshake hands kami.
"Ahermm.. Kanina pa kasi kita nakikitang umiiyak dito. And ...bilang concerned citizen. I was worried na ...you know.." shit ano ba 'tong pinaggagawa ko.
"baka kailangan mo ng makakausap. Tama. 'Yun nga." sabi ko at tumango-tango pa.
"I... I-i lost my boyfriend." sabi niya at humagulgul.
"Lost? Nawawala ba siya?"kunwari wala akong ideya.
"No, h-he died on the spot. Nang mabangga ang sinasakyan niya ng isang ten-wheeler." she answered between her tears.
"O-oh. I'm sorry. Ahm... Ano nga palang ginagawa mo dito?" nilingon niya ako. "I mean.. Your crying...and.."
"I'm here dahil... Anniversary namin ngayon. Dito ko siya sinagot sa restaurant na 'to." sabi niya na humihikbi.
Nilingon ko si Miss Freaking Lara Fortune. At nagpaalam na sa babae.
Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay habang naglalakad pabalik sa mesa namin.
"So? How's it going?" She smirked.
Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita."You're right."
Tumango-tango ito at talagang nakakairita ang kayabangan sa mukha niya. Like she was saying... 'I told you so'.
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Fiksi UmumThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate