If you can love the wrong person so much. Imagine how much you can love the right person.
**********
Ilang araw na ang lumipas hindi pa rin kami nagkikita ulit ni Twisted.
May ibang parte sa puso ko na umaasang pupuntahan niya ako rito. Kahit na ba dahil sa kailangan niya ang hula ko. Okay lang.
Namimiss ko na siya. Pero galit pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba bakit kasi hinalikan pa niya ako kung hindi rin naman niya paninindigan? At sasabihing wala lang 'yun? Magiging awkward na tuloy ang lahat.
Mabuti na rin siguro 'to. Hanggat kaya ko pang kalimutan ang damdamin ko para sa kanya. Mabuti nga sigurong di na kami magkikita ulit.
"Uy teh, ilang araw ka ng nagmumukmuk dyan? Tatlo ay di, apat? Ano ba kasi ang nangyayari sayo?" tanong ni Jessica nang minsan pinasok niya ako sa kwarto ko.
Pero ningitian ko lang siya at nagkibit balikat.
"Ahm, gusto mo mag-enjoy?" tanong niya bigla.
Enjoy? Mukhang hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng salitang yan. Buong buhay ko, hindi ko naranasang mag-enjoy sa kung saan. Dahil sa mahirap lang kami. At kailangan kong kumayod para pandagdag sa pagpapagamot sa kapatid ko. Kahit panloloko ng kapwa pinatulan ko nga. Basta magkapera lang.
"Enjoy? Saan?" tanong ko. Mukhang kailangan ko nga mag-unwind.
"Sa Mi Casa! Ano game ka?" nakangising tanong niya.
"Sa Club? Anong gagawin natin 'dun?" tanong ko pabalik.
"Eh syempre, mag-enjoy. Don't worry, treat ka namin.'' tinutukoy niya ay 'yung bagong boyfriend niya. Hindi pa niya ito naipakilala sa akin.
Aayaw sana ako. Paano kung magkita kami ni Twisted dun?
Bahala na nga. Hindi naman siguro magpeperme dun ang lalaking 'yun. I'm sure okay na sila ni Lorraine ngayon. Maaring nagka-ayos na sila, ilang araw na rin kaya ang lumipas.
"Tara na. Andyan na si Kevin." bungad niya sa pinto.
Nanlaki ang mata nito."O my G, mas gumanda ka lalo teh?"
Napailing na lang ako at ngumiti. "Tara na nga!" at nagpatiuna sa paglakad.
"No joking. Ang ganda mo, hindi nga kita nakilala agad. Pero teh, nakakainsecure huh. Baka magkagusto sayo si Kevin ko." nagpout pa siya.
Inirapan ko siya saka tumawa. "Wag ka ngang masyadong mag-isip dyan."
Nakasakay na kami sa kotse ni Kevin. Galante din pala 'tong boylet ni Jessica. Nasa front seat si Jessica at nasa backseat ako katabi ko ang kaibigan ni Kevin na si Clein.
Magbestfriend raw ang dalawa at lihim talaga akong napatawa sa pangalan nila. Katunog kasi ng Calvin Klein 'yung names nila.
"We're here." narinig kong sinabi ni Kevin at nagpark siya.
Pumasok kami sa loob at naghanap ng mesa ang dalawa. Doon kami sa matagong area pumwesto. Nag-order na rin ang dalawang lalaki ng inumin. Mabait si Kevin at mukhang mahal na mahal niya talaga ang kaibigan ko. Hindi ito masyadong kagwapohan. Pero bagay sila ni Jessica, hindi rin kasi eto kagandahan.
Napailing ako sa naisip at napangiti. At least masaya ako para sa kaibigan.
Panay lang ang tingin sa akin ni Clein. May hitsura ito. Pero mukhang manyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/92242816-288-k67664.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Ficción GeneralThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate