I regret nothing in my life even if my past was full of hurt. I still look back and smile, because it made me who i am today.
**********
Lara's Pov
Sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yun, hindi ko maiwasang mapaiyak. Masaya ako dahil alam kong napapatawad na niya ako ngayon. Wala akong makapang pagsisisi na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya.
I know that somehow i changed his heart. Masakit man isiping hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko para sa kanya pero masaya ako dahil sa naiwan niyang alaala sa loob ng sinapupunan ko.
"I love you so much baby. Pangako aalagaan kita at mamahalin ng buong puso kagaya ng pagmamahal ko sa daddy mo." Hinahaplos ko ang aking nakaumbok na tiyan habang nakaupo sa backseat ng kotse. Hindi ko pa naramdamang sumipa ang baby ko kaya lage ko siyang kinakausap, but my doctor told me to be patient baka raw one of these days ay mararamdaman ko na ang una niyang pagsipa.
Katatapos ko lang magfinal exam sa isang kilalang University dito sa Paris. Tinapos ko lang ang isang semester at napag-isipan kong saka ko na ipagpatuloy ang kurso ko kapag isang taong gulang na ang anak ko. Things was never been easy for me here for the past five months, lalo na't nalaman kong isang buwang buntis na pala ako noong araw ng pasko. It was the greatest gift given from God. I was so happy and scared. Natatakot akong baka magalit sila Daddy at Trynd. At masaya ako dahil may isang nabubuong buhay sa loob ng tiyan ko.
As expected, Trynd was furious when i told them my condition pero natanggap niya rin ito di kalaunan. Kabaliktaran naman kay Daddy, he just hugged me and whispered that everything will be alright.
Trynd was always there for me at sinasamahan ako sa isang Ob gyne para sa monthly check-up. But last month he went back to the philippines.
"Bonne soirée madame." bati ni Laurel. Trynd hired her to look out for me and do the chores while he's not around.
Ningitian ko siya. "Bonne soirée." It means good evening.
Sinabi ko sa kanyang nagdinner na ako sa isang restaurant at dumiritsu na ako sa kwarto para magbihis and do my daily routine. Nagbabasa kasi ako ng mga academic books at pinaparinig ko minsan si baby ng mga iba't ibang music sa ipod ko with a headset attached to my not-so big tummy before i go to sleep. Magli-limang buwang pa lang kasi ang tiyan ko this month of april.
I heard Laurel knocked at my door.
Dahan dahan akong tumayo at binuksan ito.
"Madame, I forgot to tell you that Sir Trynd called this afternoon." Laurel said in her foreign accent.
I smiled. "Okay, thanks Laurel. I will call him later."
'Yun lang at umalis na siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Trynd, pero hindi ito sumasagot. Kaya napagpasyahan kong matulog na lang dahil nakaramdam na rin ako ng antok.
Early in the morning i went out para maglakad-lakad kasama ko si Laurel para alalayan ako, everyday namin 'tong ginagawa.
"Ma'am good morning po, may naghahanap po pala sa inyo kanina habang wala po kayo rito." bungad ni Manong Drick, he's my personal driver. Isa siyang pilipino.
"Sino?" nagtatakang tanong ko.
"Nakalimutan ko pong tanungin ma'am. Pero binanggit niya po ang buong pangalan mo. Umalis din po kasi agad, may dala dala po siyang maleta."
"Next time Manong Drick, tanungin mo muna kung anong pangalan niya. At kung anong kailangan niya sa akin." wala naman kasi akong naaalalang kaibigan dito sa paris.
"Opo ma'am. Sorry po." hinging paumanhin niya.
Pumasok na ako sa loob at kumain ng strawberry. Natatakam kasi akong kumain nito at minsan nga sinasawsaw ko pa ito sa freshmilk.
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
General FictionThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
