PAALAM

8 0 0
                                    

Anim na letra

Lakas ng tama

Lakas ng epekto

Diretsyo sa puso.

P

Para sa mga araw  na hindi ko na mabilang

Para sa mga araw mula ng umalis ka

Para sa puso ko na patuloy na umaasa.

A

Ang mga alaala

Alalang nais ko ng malimutan

Alaalang hindi na maauulit pa.

A

Ang mga pangako mo

Ang pangakong hindi ko akalaing sisirain mo

Ang mga pangakong nagpabago ng tingin ko sayo.

L

Lagi kitang naaalala

Lagi kitang naiisip

Lagi na lang akong nasasaktan.

A

Ang pamamaalam mo

Ang di ko na mabilang na oras

Ang mga araw na nais kong nandito ka na lang.

M

Mahirap kalimutan

Mahirap bitawan

Mahirap umasa.

Ang mga letra ng PAALAM

Naghahatid ng matinding sakit

Sakit na hindi ko alam

Hindi alam kung kaya pang malunasan.

-Micky 😊

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon