Linya

4 0 0
                                    

Sa pagdilat ng mga mata

Kadiliman ang tanging nakita

Pilit inaalala ang araw at oras

Mga panahong nakalipas

Iniisip ang mga munting sandali

Hinahangad na maulit muli

Ngunit tila napipi

Nabingi sa bawat sandali

Naglakbay ang imahinasyon

Sa hindi tamang panahon

Ang mga alaalang gustong kalimutan

Unti unting nagbabalikan

Mga alaalang sanay maglaho na

Upang buhay ay maayos na

Sa bawat oras na lumilipas

Ninanais ng wakasan

Pagibig na walang patutunguhan

Pagkat hindi nakatakda

Sanay bigla na lang mawala

Sanay tumigil na ang pagasa

Upang hindi na masaktan pa

Ang pagibig na itinangi ng higit anim na taon

Sinusumpang bibitawan na pag nagkataon

Ang kwento ng parallel na linya

Magkalapit may hindi para sa isa't isa.



-Micky :)

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon