Bilang

4 0 0
                                    

Isa dalawa tatlo

Nagsimula na naman ang pagbibilang

Nagsimula na naman ang paghihintay

Nakailang beses na bang umulit?

Nakailang beses na bang bumalik?

Hindi ba't paulit ulit na lamang.

Pagkuway bibilang muli

Nagbabakasakali

Humihiling

Umaasa

Sana sa pagbibilang ay hindi na muling umulit

Sana ay hindi na umabot sa dulo

Sana sa kalagitnaan ng isa hanggang sampu

May sumabay sa pagbilang

At hindi na kailangang umulit

Isa dalawa

Wala pa rin

Tatlo apat

Tingin sa kanan

Lima anim

Tingin sa kaliwa

Pito walo

Hingang malalim

Siyam

Tungo at pikit pagkat wala ng pagasa

Sampu

May sumabay na tinig

Hingang malalim

Tingin sa harapan

May sapatos na puro putik at ilang damo

Unti unting angat ng tingin

May pantalong kinupas na ng panahon

May puting tshirt na may tatak na tribal

Hingang malalim

Leeg na kita ang paggalaw mula sa paglunok

Panga na tila kay perpekto sa paningin

Labing namumula at nakangiti

Ilong na kay tangos

Mata na kay singit

Buhok na parang bagong gising

Pawis na lumalandas sa mukha pababa

Balik tingin sa mata

Matang tila nanghihipnotismo

Matang nagsasabing masaya ito

Titig na titig

Pagkat sa tagal ng bumibilang

Ngayon lamang may sumabay

Tila pa nga siya'y hinabol

Upang makaabot sa pagbilang

Pagbilang na nais na nyang wakasan

Ngunit dahil sa dumating ay nagpatuloy ang pagbilang

Isang daan

Isang libo

Isang milyon

Nagpatuloy ng magkasabay

Magkasama

Magkahawak

Hanggang magbalik muli sa pagbilang

Isa hanggang sampu

Pagkat ang dumating ay nakisabay lamang

Nakiagos sa pagbilang

Ngunit hindi nanatili

Tulad ng ibang nakisabay ay umalis din

Lumihis ng landas

Kaya ang bilang ay umulit

Isa

Dalawa

Tatlo

Pagod na

Apat

Lima

Anim

Pito

Tama na

Walo

Siyam

Sampu

Tapos na

Tulad ng ibay naglaho na

Naging abo na

Sa buhay na may hangganan

Pagbilang ang nakagisnan

Pagbilang ang kinatapusan

Tapos na

Wala na

Nakahimlay na

Wala ng bilang

Namamahinga na

Namaalam na

Paalam na

Sabi ng abong isinasaboy

Sa dagat na kay lawak

Libingan na kanyang nais

Libingan na takda ng pagtatapos

Sa huling bilang ng sampu

Natigil na lahat

Natigil kagaya ng paghinga

Natigil na

Tumigil na

Paalam na.

-Micky :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon