Hindi ako natatakot sa paggunaw ng mundo.
Ngunit takot ako sa pagtigil nito.
Takot ako sa bawat pagtahip ng tibok ng puso ko.
Takot ako sa bawat ngiting nagdudulot ng sakit.
Natatakot ako sa mga panahong dapat masaya ngunit nababalot ng lungkot ang buhay ko.
Natatakot ako hindi sa ibang tao.
Pagkat takot ako sa sarili ko.
Isang beses lamang naramdaman.
Tibok ng pusong wari'y naguumalpas.
Ang unang pagkikita mata sa mata.
Parang kay bagal ng takbo ng mundo.
Parang biglang tumigil ang lahat at ikaw lang ang tanging mahalaga.
Ikaw lang ang tanging nakikita.
Napokus ang atensyon.
Bumagal ang lahat sa paligid.
Ikaw lang ang mahalaga.
Waring naengkanto sa mga nararamdaman.
Hindi maipaliwanag ang pagkawala sa isip ng iba at ikaw lang ang nakikita.
Nakita kita.
Natagpuan.
Ngunit mapaglaro ang tadhana.
Inakalang ikaw na.
Naalala ang mga salitang "Gusto rin kita."
Tumigil ang tibok ng puso.
Pusong bihag ng mga alaala mo.
Nais ng kumawala.
Nais ng umalpas.
Pagkat pagod na.
Sobrang sakit na.
Ang umasang ikaw na.
Ngunit hindi pala.
Isang maling akala sa mundong mapanlinlang.
Sa mundong mapaglaro.
Sa mundong tumigil noong unang mata sa mata.
Tumigil sa bawat ngiting nais itanim sa alaala.
Tumigil sa unang pagdaupang palad.
Tumigil sa panahong ngayo'y gusto ng kalimutan.
Gusto ng bitawan.
Lahat ng alaalang masaya ngunit dulot ay sakit.
Bawat alaala.
Ayaw ko na.
Hindi ko na kaya.
Tama na.
Nananalangin na makalimutan na.
Lahat ng ukol sayo.
Lahat ng ukol satin.
Dahil sa simula pa lang.
Ikaw at ako.
Walang tayo.
Wala kailanman.
-Micky :)
