Naaalala mo pa ba yung unang beses?
Unang beses tayong nagtagpo.
Unang beses mong tinawag ang pangalan ko na parang kasarap marinig pag mula sayo.
Unang beses kong nasilayan ang mga mata mong kay singkit.
Unang beses kong nakita ang mga ngiti mong kay tamis.
Unang beses kong narinig ang halakhak mong parang musika sa aking pandinig.
Unang beses tayong nagkatitigan na para bang kay tagal kahit ang totoo ay ilangt segundo lang.
Unang beses tayong nagkatapat sa upuan sa jeep.
Unang beses tayong nagkatabi habang nakikinig ng misa.
Unang beses na hinawakan mo ang kamay kong namamawis sa kaba.
Unang beses mong sinabing kay lamig pala ng aking kamay na hindi mo alam ay dahil sayo.
Unang beses mo akong hinatid sa aming bahay.
Unang beses kang nagpakilala sa aking mga magulang.
Unang beses na niyakap mo ako.
Unang beses na humalik ka sa aking noo.
Unang beses na humalik ka sa pisngi ko.
Mga unang beses na sana ay maulit pa.
Mauulit pa ba?
Kung ikaw ay naglaho na.
Bigla ka na lang nangiwan sa ere.
Bigla ka na lang nawalang walang apsabi.
Yung sinanay mo ako sa mga unang beses yun pala ay hanggang doon lang.
Unang beses lang na wala na palang kasunod.
Unang beses na yun na pala ang katapusan.
Katapusan sa pantasyang may mga susunod pa sa una.
Ngunit wala na pala.
Tapos na.
Tapos na pala.
- Micky 😊
