Paalam kahapon

4 0 0
                                    

Ang pagtakbo ng oras

Tila  ba ikaw na tumatakas

Tumatakas sa bakas

Bakas ng nakalipas

Dati rati'y kay kinang ng ngiti

Kay saya at walang pighati

Kay gaan ng buhay

Buhay na puno pa ng kulay

Ngunit kaybilis nagbago

Kay daling naglaho

Ang panahong lumipas

Lumipas sa isang kumpas

Kumpas ng kamay ng oras

Kay lupit ng tadhana

Nagkatagpo ngunit hindi itinakda

Ang pusong naghihinagpis

Dumadaing sa sobrang sakit

Buong pagkatao'y nananangis

Ang kay lupit na bigkis

Patungo sa wakas

Patungo sa bagong yugto

Magbabago

Maglalaho

Lahat ng bagay sa mundo

Ngunit kaylan

Kaylan sususod

Ang pusong matisod

Upang magising

Sa pagkakahimbing

Paalam

Paalam kahapon.



-Micky :)

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon