Ang paborito mong apo

4 0 0
                                    

Noong bata pa lamang

Ikaw na ang dantayan

Ikaw na ang kinakapitan

ikaw na ang nilalapitan

Ikaw na ang takbuhan

Ikaw na ang sumbungan

Naalala mo pa kaya ako?

Ang iyong paboritong apo

Ang batang palaging ipinagluluto mo

Ang batang palaging pinatatahan mo

Ang batang nakasandal sayo

Ang batang minamahal ka ng totoo

Ang batang hindi bumibitaw sayo

Ang batang umaakay sayo

Ang batang pinagbutihan lahat para sayo

Ngunit sa isang iglap ay naglaho

Mga pangarap na binuo

Mga pangarap kasama mo

Naalala mo pa ba ako?

Ang paborito mong apo.



-Micky :)

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon