Klemensyo

3 0 0
                                    

Nagkakilala muli dahil sa group chat

Ni hindi na maalala ng isip

Kung nagkakilala nga ba noong mga bata pa

Ngunit hindi naging hadlang

Upang muling maging magkaibigan

Palaging nagaasaran

Naglolokohan

Kaya hindi maintindihan

Kung paniniwalaan

Mga bagay na dapat ay seryosohan

Pero parang lagi na lang lokohan

Hindi na namalayan

Ang mga araw at oras na magkausap

Hindi na napapansin ang pagiging malapit

Hindi na napapansin na parang hindi na buo

Buo ang araw ng hindi nagaasaran

Hindi naguusap

Hindi nagkakamustahan

Ngunit pagkalipas ng mga araw

Tila nagsawa na

Dumalang na ang mga usapan

Dumalang na ang mga tawagan

Hanggang sa bigla na lang nawala

Parang bula na naglaho

Ng isang araw ay nagkausap muli

Hindi na gaya ng dati

Pero ang mga kalokohan ay nandun pa rin

Si klemensyo at pinkymon

Palayaw ng dalawang tao na magkaiba

Isang seryoso at isang maloko

Pero dahil mas lalong nagkakilala

Hindi alintana ang pagkakaiba

Mga pagkakaibang nakakatawa

Hindi pa rin maintindihan

Kung ang mga biro ay nagiging seryoso na

Dahil puro lamang kalokohan

Namamagitan sa dalawang magkaibigan

At sa pagtatapos ay sasabihing

Wala lang ito

Kalokohan pa rin

Napagusapan lang

Para "daw" magising

Magising si klemensyo sa kalokohan

Magising ni pinkymon si klemensyo

Masapak ang drawing na si klemensyo

Dahil pagkatapos nito'y manlilibre

Si klemensyo paguwi ng batangas

Kaya para kay Klemensyo

Ang tulang puro kalokohan. :D



-Micky :)

para sa Hari ng paasa at drawing ko na kaibigan :D

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon