Hindi na tulad ng kahapon

2 0 0
                                        

"Ano man ang gagawin

Pitong beses iisipin"

Mga katagang nagsusumigaw

Sa isipang naliligaw

Sa isang taong malalim

Madali lang maatim

Ngunit pag napuno

Maaaring sumuko

Lalo pag napagod na

Pag suko na

Pag ayaw na

Pag hirap na hirap na

Maraming desisyon

Inisip ng mahabang panahon

Pinaglaanan ng oras

Pero parang umaawas

Pagintindi ay umaalpas

Sa pagintinding kumukupas

Maraming desisyong nagbago

Napagod na ang puso

Hirap ng magdesisyon

Pagka't hindi na tulad ng kahapon.



-Micky :)

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon