Sa yugto ng buhay ay hindi ko alam kung san patungo.
Sa pagitan ng patuloy na pagasa at pagbitaw.
Doon.
Doon sa pagitan ko natagpuan ang aking sarili.
Natagpuan ko ang sarili kong patuloy na umaasa sa iyong pagbalik.
Patuloy umaasa sayong paguwi.
Paguwi sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Lahat ng alaala.
Lahat ng pangako na tila nakalimutan na.
Nakalimutan o pilit ng kinalimutan?
Kinalimutan upang mauna kang lumaya?
Mauna kang makalimot?
Maunang makahanap ng bagong lugar?
Lugar kung saan wala ng ako.
Walang tayo.
Wala namang tayo.
Pero umasa ako.
Umasa ako sa pagitan.
Pagitan ng pagasa at pagbitaw.
Muli mong maalala ang mga pangako.
Ang mga pangako ng pagibig.
Pagibig na nagbuklod sa ating puso.
Puso na marunong din palang sumuko.
Nakalimutan kong maaari ka nga palang bumitaw.
Maaari kang sumuko.
Kaya sa iyong paglalayag sa mundo .
Mundo na kaytagal nating pinangarap.
Oo NATING pinangarap!
Ngunit hindi pala ako kasama sa pangarap mo.
Hindi ko napansin na iba ang iyong gusto.
Ang akala kong pangarap natin ay pangarap mo pala.
Hindi pala ako kasali sa mundong nais mo.
Umasa ako.
Umaasa ako.
Pero nakakapagod din pala.
Sa paglipas ng mga araw na dapat masaya ako para sayo.
Na dapat kitang ipagyabang sa mundo.
Ipagyabang ang kung anong meron tayo.
Ngunit nangungulila ako.
Nangungulila ako sa mga panahong sana'y magkapiling tayo.
Nangungulila ako sa mga yakap mo.
Nangungulila ako sa mga araw kung saan parang tayo lang ang may ari ng mundo.
Nangungulila ako.
Nangungulila ako sayo.
Nangungulila ako sa atin.
Nangungulila ako sa tayo.
Pero nasaan ng ba ang tayo?
Nasaan nga ba tayo?
Mayroon nga bang tayo?
-Micky 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/93923041-288-k904788.jpg)