Umasa ako sa mga pangako
Pangako ng ikaw at ako
Pangako ng tayo
Ngunit lahat ay naglaho
Sa isang iglap sumuko
Sa isang iglap gumuho
Mga pangakong napako
Pangakong napunta sa kung saang dako
Pangakong parang pagibig mo
Pagibig na naubos
Pagibig na naupos
Akala'y di magtatapos
Ngunit tadhana ang katuos
Pagiibigang pinuspos
Pagibig na ibinuhos
Lahat ay tinatapos
Pagkat pagod na
Pagkat ayaw na
Pagkat huli na
Huli na
Paalam na
Paalam na.
-Micky :)
