Ano nga bang kwento?

5 0 0
                                    

Natatawa ako kapag sinasabi ng karamihan na hugot queen ako.
Hindi kasi nila alam na seryoso.
Hindi kasi nila alam ang pinaghuhugutan ko.
Hindi kasi nila alam ang totoo.
Hindi kasi nila alam dahil nakangiti lang ako.
Ngiting lumalaban para ipakita na ayos ako.
Ngiting kayang takpan ang samu't saring sakit ng sampal ng katotohanan.
Ngiting kayang takpan ang sinasabing nababasa sa mga mata ang hindi masabi ng mga labing nanunuyo.
Mga labing kumikibot upang magsalita ngunit walang boses.
Mga labing napipi na ng panahon.
Mga labing napagod ng iparating ang nasa kalooblooban.
Mga labing ninais na lamang patigilin dahil hindi naririnig.
Hindi naririnig ang mga apela ng paghingi ng tulong.
Hindi naririnig ang sigaw sa sobrang dami ng humihiyaw.
Hindi naririnig ang paunti unting pagkawasak.
Pagkawasak na hindi alam ng karamihan.
Pagkawasak hindi lamang ng puso kundi buong pagkatao.
Walang nakakaalam.
Walang nag nais makaalam.
Walang natutong makinig.
Walang tenga at pagintindi para sa taong binansagang "Hugot Queen".
Walang nagpakita ng halaga.
Wala ni isa.
Wala.
Wala ng makakaalam.
Wala ng makakakita.
Wala ng makakarinig.
Wala ng maikukutya.
Wala na.
Wala na.
Mawawala na lang ng parang bula.
Kagaya ng tulang walang kahihinatnan.
Kagaya ng tulang bigla na lamang umalpas.
Kagaya ng tulang isinulat ko.
Kagaya ng tulang ngayo'y binabanggit mo.
At saka ka mapapaisip.
"Ano ba ang kwento sa likod ng "Hugot Queen" na may akda ng tulang parang humahaplos sa aking puso?"
Ano nga ba?
Ano nga ba?

-Micky :)

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon