Nakatingin sa malayo
Iniisip kung paano
Gusto na lang maglaho
Napakagulo ng puso.
Ang sikip ng mundo ayon sa kanila
Pero bakit ang luwag para sating dalawa?
Espasyong ilang milya
Di alam pano na ba?
Hinahanap mo pa ba ako?
Iniisip mo pa ba ako?
Mula ng tayo ay magkalayo
Parang tinangay mo ang aking puso.
Ang sakit isipin
Mga pangako mong napako
Nawala ng parang bula
Pagibig mo ba'y anong nangyari na?
Akala ko ay walang hanggan
Pero sa isang iglap biglang naghanggan
Akala ko ba ay walang susuko?
Bakit iniwan mong sawi ang aking puso?
Pilit ko mang kalimutan
Araw araw kong natatandaan
Mga alala ng nakaraan
Sana mawala din sakin ng tuluyan.
-Micky 😊
