Tug of war

8 0 0
                                    

"Mapapatawad mo pa ba ako?"

Mga unang salitang namutawi sa iyong bibig

Ng muling magkita makalipas ang ilang buwan

Ilang buwan na mula ng iyong iwan

Para sa pangarap na akala'y para sa ating dalawa

Ano bang nangyari?

San ba nagkamali?

May nagawa bang pagkakamali?

Mga bagay na nagpabago satin?

Iniisip kung san nga ba nagkulang

Ginawa naman ang lahat ng makakaya

Nagpupuyat para makausap

Naghihintay sa mga mensaheng sindalang ng patak ng ulan sa abril

Naghihintay

Umaasa

Ano nga bang nangyari?

Itong nararamdaman ba ay para lang laro?

Hilahan at bahala ng masaktan?

Itataboy pag nais mo ng sumuko

Ngunit hihilahin muli pag gusto ng bumitaw sayo

Tug of war ba ang gusto mo?

Yung tipong hilahan hanggang mabuwal ang nasa kabilang dulo?

Hilahan at titingnan kung sinong masusugatan

Sinong maiiwan

Sinong bibitaw

Sinong mahuhulog

Sinong masasaktan

Kung alam ko lang sana

Kung alam ko lang simula pa nung una

Ako na sana ang kusang bumitaw

Upang hindi na sana naranasan

Ang unti unting pagkawasak ng puso

Pagkawasak ng puso mula ng iniwan mo

Patungo sa pangarap na akala ko'y tayo

Ngunit sa huli

Ikaw lang at naiwan Ako.



-Micky :) 

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon