Nagsimula ang lahat kay spongebob squarepants
Ang maliit na laruan na laging dala at pinagaagawan
Noong nasa ika-apat na baitang sa elementarya
Naging mahalagang bahagi ng alaala
Mga panahon at oras na magkasama
Mga panahong walang problema at lahat lamang ay laro
Mga panahong sa isang iglap ay nagbago
Ikalimang baitang sa elementarya
Mas naging malapit pa
Ang turingan ay magkakapatid at magkakasanggang dikit
Isang araw sa pagpasok ng bakasyon
Biglang sinabi ang isang bagay na hindi pa kayang panghawakan
Nakakatakot ang pagamin ng nararamdaman
Nagkailangan sa mga praktis sa banda
Hanggang sa tuluyan ng nagkalayo
Ng pumasok sa ikaanim na baitang
Napahiwalay ng seksyon
Palagi man nagkikita sapagkat magkatabi lang silid
Ngunit pinanindigan ang pader sa pagitan
Hanggang sa isang beses ay nagbigay ng kwintas
Isang kwintas na pambata
Yung tig ssampung piso sa tindahan
Pero kakaiba ang naging epekto
Lalong nagkalayo
Lalong tumaas ang pader
Lalong lumihis ng landas hanggang sa nakapagtapos sa elementarya
Magkaiba ng eskwelahan noong pumasok sa sekondarya
Batid ang pagkakalaban ng eskwelahan
Ngunit naging daan upang maging malapit muli
Naging magkaibigan muli
Pagkakaibigan na bigla ring naglaho pagkatapos ng ilang palitan ng mensahe
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon
Makalipas ang ilang taon ay nagkita
Nagkausap hanggang naging malapit muling magkaibigan
Muling naging magsanggang dikit
Lahat ng tungkol sa isa't isa ay palaging inaalam
Palaging magkausap sa telepono
Palaging magkatext hanggang sa hindi namamalayan ang oras
Hanggang ang batang unang lumayo ang sya namang nagtapat
Nagtapat ng higit pa sa dapat na pagmamahal sa kaibigan
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay hindi na naglayuan
Hindi na nagiwasan
Patuloy na naging mas malapit
Kahit ang isa'y patuloy na umiibig sa isa
Isang araw ay biglang ibinalita na mayroon ng iba
Naging masaya kahit may kaunting sakit
Nagpatuloy na matalik na magkaibigan
Hanggang sa unti unti
Unti unti ng nabawasan ang oras sa isa't isa
Nagpokus pareho sa trabaho
Naging matagumpay at magkaagapay sa bawat oras
Nabawasan na ang paguusap ngunit patuloy na naging matalik na magkaibigan
Mananatiling matalik na magkaibigan
Dahil parehas ng nakalimot sa mga nararamdaman noong mga bata pa
Parehas ng masaya sa tinatahak na mundo
Mundong hindi man naging sila
Nagpatuloy naman ang pagkakaibigan na bihirang matagpunan sa panahon ngayon
Patuloy na nagiging masaya sa takbo ng buhay
Buhay na hanggang magkaibigan nga lamang talaga sila.-Micky 😊
