Mabilis na lumipas ang tatlong taon
Madaming nagbago at tinatanong ang sagot sa di maubos na tanong kung bakit
Bakit nga ba tila naglaho?
Bakit nga ba nanatiling naghihintay?
Bakit nga ba?
Nagsusumamo ang puso, utak at buong katawan
Sa mga sagot na kaylanman ay di matatagpuan
Hindi matitikman
Ang mga alaalang kay saya noo'y naging mapait
Alaalang bumihag sa pusong patuloy sa pagpintig
Pumipintig ngunit di alam kung bakit
Pumipintig ngunit di alam kung para saan
Pumipintig na ang tanging naririnig ay ang pangalan mong kay saya at kay sakit ang hatid ng mga alaala
Lumipas na ba?
Lumipas na ba ang pagibig na ipinangakong magtatagal
Lumipas na ba ang mga pangako ng walang hanggan
Lumipas na ba?
Tayo ba ay bumalik sa ikaw at ako?
At nawala na ba ang Tayo?
-Micky :)
