Hindi nakalaan

3 0 0
                                    

isa dalawa tatlo apat lima anim
anim na taon na ang lumipas
nandito pa rin aq
sa tabi ng jollibee sa bayan
Inaasam na muli kang dumungaw
muling makita
muling maulit
maulit kung paano
paano naniwala sa pagbagal ng oras
paano naniwala sa pintig ng pusong kay lakas
paano naniwala sa mga kwento
kwento ng mga manunulat
mga manunulat na animo'y naranasan
ang pagtigil ng ikot ng mundo
ang pagpokus ng mga mata sa iisang tao
ang unti unting pagtigil ng hinga
ang nahihiyang ngiti
ang nahihiyang bati
ang nanlalamig at pasmadong kamay
ang mga maliliit na bagay
na unti unting lumaki
lumaki ang parte sa buhay
hindi na maiwasan tuwing nagkikita
tila ba ito pa rin ang una
nanlalamig at pawisang mga kamay
pusong animo'y naghuhuramentado sa bilis
pagkabulol sa pagsasalita
pagtitig ng hindi namamalayan
ang pagbagal ng takbo ng oras
tila ba nasa isang imahinasyon lamang
kung sana'y nasa imahinasyon na lamang
sana'y nasa imahinasyon na lamang
upang hindi na nasasaktan
upang hindi na nawawasak
upang hindi na nauupos
nauubos
sana'y imahinasyon na lamang
anim na taon na ang lumipas
ngunit ang pagtingin
nananatili at ngayo'y pinipili
pinipili ng ibaon sa limot
upang makasabay sa pagikot ng mundo
upang makasabay sa mga pagbabago
upang unti unti'y tuluyan ng matanggap
na ang salitang "tayo"
para satin ay di nakalaan.

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon