20 minutes

7 0 0
                                    

Isang araw ay biglang nagkasama

Ng minsang mapapunta sa laguna

Hindi inaasahan

Hindi napagplanuhan

Hindi tuloy malaman

Paanong haharapin

Paanong kakausapin

Tulad ng dati'y sumisimple ng tingin

Pahapyaw na pinagmamasdan

Paminsan minsan ay ngumingiti

Kahit di malaman ang dahilan

Sa iilang beses na nagkita

Sa iilang beses na nagkasama

Di maikakaila

Ang lihim na paghanga

Tuwina'y natutulala

Hindi makatingin sa mata

Namamawis at nanlalamig na mga kamay

Ang pusong banayad ngunit panaka naka'y humihinto

Tuwing makikita ang mga ngiti mo

Pag nakakausap nama'y nanginginig

Naghuhuramentado itong dibdib

Parang kay hirap huminga

Pag nararamdaman ang iyong presensya

Tila tumitigil ang ikot ng mundo

At sa bente minutos na sandali

Wari'y bumagal ang paglakad ng oras

Bente minutos lang na sandali

Sandaling nagkatabi sa jeep pauwi

Sa palagay ay oras na ang lumipas

Ang panakanakang paguusap

Ang panakanakang ngiti

Ang pagdikit ng mga tuhod

Ang hindi mabilang na pagtahip ng dibdib

Sa bente minutos na sandali

Naging masaya ang pusong sawi

Sawi dahil sa pagasa ng tayo

Ngunit itatangi sa puso

Ang bente minutos na alaala

Ng minsang magkatabi sa byahe mula sa Laguna.



-Micky :)



LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon