Mark Ethan

6 0 0
                                    


Nagsimula ang lahat kay MARK ETHAN

Kahit sobrang nagtitipid ay pilit bumili

Isang kopya ng kwentong naging daan

Upang makilala ang isang magaling na manunulat

Sa unang pagkikita ay kinakabahan

Pintig ng puso sa tantya'y naging triple

Nanlalamig na mga kamay

Pagkikitang kung noon ay imposible

Naging realidad sa panahong wari'y hindi na uso

Pagka't kay dami ng naglabasang bago

Ngunit nananatiling idolo ang mga libro

Lalo na ang mga tao sa likod nito

Ng isang taong libro na lamang ang nagpapasaya

Isang umaasa na pinagbigyan ng pagkakataon

Sapagka't nasa isang probinsya lamang pala sila

Ng naitakda ang araw at oras

Hindi sinasadyang nahuli ng dating

Hindi maintindihan kung anong gagawin

Naging isang maswerteng tao

Nakilala ang lumikha kay Mark Ethan

Kasabay pang nakilala ang may likha kay Lucas

Isang sagot sa hiling ng isang tagahanga

Makilala at makasama mga taong iniidolo

Sa mundo ng mga manunulat

Na sana'y tinahak ngunit mas pinili ang pagsunod

Isang karangalan makilala mga taong parang langit

Pagka't ka'y hirap abutin

Ngunit pinatotohanan

Na may mga tao talagang kay daling abutin

Ilang beses nagpalitan ng mensahe

Nagpalitan ng mga regalo

Unti unti hindi na namalayan

Nabuksan na pala isang bahagi

Na bihirang mabuksan ng iba

Ang bahagi ng pagkatao na akala'y nalimutan na

Parang ka'y dali lang maibahagi

Ilang bagay na konti lang ang may alam

Sa ilang pagkikita at paguusap

Nandun pa rin ang paghanga

Dahil kahit maging magkalapit na magkaibigan

May parte pa rin ng isang umiidolo

Sa isang taong may akda ng isang libro

May mga ilan pang lihim na itinatago

Ngunit sa palagay ay mabuti na ang ganito

May bahagi talagang hindi na yata mabubuksan

Ngunit kung mabubuksan man ay paghahandaan na lamang

Kung anong maging resulta

Ang mahalaga ay ang ngayon

Ang ngayon na kailangang harapin

Kaysa sa mga bagay na magaganap pa sa hinaharap

Ngunit sana'y manatili

Ang pagkakaibigang nasimulan at nagpapatuloy

Sa pagdaan ng mga araw ay tanging hinihiling

Manatili ang pagkakaibigan na sa ngayo'y mahirap ng hanapin

Pagkakaibigang nagsimula kay Mark Ethan

Na nagdulot ng lungkot at saya

Sa buhay ng isang tagahanga

Tagahanga ni Ate Casper :)


-Micky 😊 dedicated kay Ate Lyn. 😊 Love you po. 😊

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon