Kislap

4 0 0
                                    

Tuwing tinititigan kita

Hindi ko alam ang dapat madama

Dahil pag ika'y nakikita

Ako'y nangangamba

Kislap sayong mga mata

Lagi kong nakikita

Sa aki'y nagsasabi

Na ako'y natatangi

Hindi ko alam kung totoo

Pagkat manhid ako

Di malaman  ay maramdaman

Kanino ba nakalaan

Ngayo'y isa lang ang nais

Malaman ang kahulugan

Kislap ng yong mga mata

Tunay na pagibig ba ang nadarama.



-Micky :)

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon