CHAPTER 1- Freshman Year

595 23 11
                                    

Dedicated sa lahat ng Forth Year Section 2 ng CNHS :D thanks sa lahat Portu. At sa lahat ng mga former classmates at mga friends ko. Love ko kayong lahat!

Energizer_bunny

“All first year students please proceed to your respective rooms and sections.” Sabi nung teacher na nakahawak ng mike.

Pagkarinig ko dito, agad ko nang hinanap yung room ko. Narinig kong nai-announce yung pangalan ko sa Section two. Sayang kasi nasa regular sections lang ako. Pangarap ko kasing mapunta sa Science section.

Ang daming tao! Bagong mga muka, bagong environment, at bagong mga friends. Sa wakas nasa High school narin ako! Excited talaga ako mag high school. Sabi kasi ng ate ko, exciting daw ang high school. Dito mo mararanasan ang pagiging isang teenager. Kaya sobrang excited naman ako.

Nakaka-ignorante naman tong school na to! Well, ilang beses naman na akong nakapasok dito pero iba parin talaga pag talagang mag-aaral ka na dito. Public school lang siya. Hindi naman po kasi kami mayaman para i-enroll ako ng parents ko sa isang private school. Saka okay narin naman dito sa school na to. Dito rin kasi sa CNHS graduate ang kapatid ko. Dito rin karamihan ng mga dati kong classmates kaya dito narin ako.

Matagal bago ko mahanap yung room ko.

“Ma’am, dito po ba yung 2-Rose?” tanong ko dun sa teacher na nasa labas ng room. May nakasulat kasi sa taas ng room na 2 kaya feel ko ito na nga yung room ko.

“Yes! Come on inside”

Bingo! Sa wakas nahanap ko narin!

Pumasok na ako sa loob ng room. Medyo maingay, halatang may mga dati nang magkakakilala. Yung iba naman mga tahimik.

Naghanap ako ng free chair. At wala akong nahanap.

Lumabas ulit ako ng room para magbuhat ng chair. Sa totoo lang, nagmuka lang akong tanga. Buti nalang wala masyadong nakapansin sa akin.

Itinabi ko yung chair sa bakanteng space sa may second row.

Punas-punas muna nung chair dahil madumi. Then umupo na ako.

Lumingon lingon muna ako sa mga katabi ko at baka may kakilala ako. Kaso wala! Hay buhay! Eto na nga ba ang mahirap eh! Wala kang kakilala sa mga magiging classmates mo!

Nagpakilala na yung teacher sa harap ng class. siya na pala yung adviser namin. Si Mrs. Lena.

First impression: mukhang masungit!

Kinausap ako nung katabi ko.

“Hi! Ako nga pala si Gareth, anong pangalan mo?”

Mo.” Super tipid na sagot ko. Pa-shy effect naman daw!

“Ah! May classmate ka dito dati?”

“Wala nga eh! Ikaw?”

“Meron”

Yun lang tapos kinausap niya na ulit yung katabi niya!

Ang ganda niya kausap! Ang dami rin naming topic! Grabe!

“i-aarange ko na kayo alphabetically. Separate ang row ng boys at girls” sabi ni Mrs. Lena

At since A ang start ng apilido ko, ako ang nasa gilid. Sa first row pa! gosh! Ayoko sa place ko! Pwede bang palitan nalang ang apilido ko?!!

After naming ma-arrange, pakilala daw isa isa. Oh God! Nakakahiya. Parang di ko ata kayang pumunta sa harap at magpakilala. Nahihiya talaga ako!

Pero wala na akong nagawa! No choice!

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon