Dedicated to kay Raven Rhan Rentoria. :j
Sobrang ka-close ko na sila. Madalas akong sumama sa mga lakad nila. ang turingan namin, parang magkakaedad lang. Sila Benjo at Lindsay na Grandma namin na halos magkaedad lang kasi pareho silang 20 that time, sila na yung naging nanay at tatay namin. May bahay sila Benjo sa may Rio del Grande Subdivision sa Enrile. Kapag walang magawa at eksaktong magkakasama pa kaming lahat, napapatambay na kami sa bahay nila. maluwang kasi ang bahy nila. halata ding may kaya sila. Tapos wala pa yung both parents ni Benjo kasi nasa Manila sila. Siya saka yung kapatid niya lang na babae ang kasama niya sa bahay nila.
Mga rakista pala sila ng banda. Si Benjo, singer din pala. Kasi nung nag-stay siya sa Manila nung highschool niya, naging bokalista siya ng banda na tumutugtog sa school nila. si Aldus, may talent sa drums. Si Rhan sa guitars naman. Si Kian, pwede sa vocals at guitars narin. May banda na silang nabuo noon pero hindi pa daw organize saka sila-sila lang daw yung nakakaalam. Hindi pa sila lantad.
Madalas nung summer kapag naboboring ako sa bahay, tinetext ko sila Mau. Pinapapunta naman na nila ako agad sa Rio. Open naman na ako sa kanila. Kabarkada narin nila ako.
One time pagdating ko dun, nadatnan ko si Rhan sa mga terrace ng bahy, mag-isa lang. nung makita niya ako, kumaway siya sakin saka tinapon nung sigarilyong hawak niya.
Lumapit ako sa kanya.
“asan sila kuya?”
“kuya?” halatang nailing siya sa pagtawag ko sa kanya ng kuya dahil first time ko lang siyang tinawag na kuya.
“hehe! Asan sila?”
“asa loob, sa likod.” Tapos nauna na siyang pumasok sa bahay kasunod ko.
“ sila Mau? Andun din?”
“bumili sila ng pagkain. Kasama si Lindsay.”
Wala sila Mau at Lindsay, ibig sabihin, ako lang ang babaeng kasama nila ngayon sa loob ng bahay.
Dire-diretso na sana ako sa likod sa bahay pero tinawag ako ni Rhan. Nagpapatulong siyang hawakan yung mga bote ng sanmig na inilabas niya mula sa ref. tinulungan ko naman na siya.
Nadatnan namin sila Aldus, Kian at Benjo na nagtotong-it.
“oh! Andito pala si Bunso!” sabi ni Benj pagkakita niya sakin.
Bunso kasi ang madalas niyang itawag sakin since ako naman yung pinakabata na clan member at barkada nila.
“kararating ko lang” sabi ko habang nilalapag sa maliit na table yung dalawang sanmig na hawak ko.
Inoffer naman ni Aldus sakin yung inuupuan niyang maliit na stool saka nag-indian sit sa may damuhan.
Tinabihan ko si Benjo at maraang nakatitig ako sa mga braha niya.
“Alam mo maglaro nito Bunso?”
“hindi nga eh! Pano ba yan?”
“madali lang! turuan kita!”
“Sige!” sabi ko naman. Tapos kinuha niya na yung mga cards na hawak nila Aldus at Kian saka binalasa ulit.
“alam mo bang magbalasa?”
“oo naman!” kinuha ko yung hawak niyang cards saka buong pagmamayabang na binalasa ng mabuti ang mga cards.
“putiks! ang linis naman pala ng pagbalasa mo eh!”
“haha! Natutunan ko lang sa mga uncle ko sa Barrio!”
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Novela Juvenileto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.