Tapos na ang kabaliwan ng Author. Eto na talaga ang true to life na nangyari.
Donna’s POV
Im not feeling well…. Feeling ko lalagnatin ako ng di oras. Sana nalang pala hindi na ako pumasok. Saying naman kasi yung attendance ko ngayong araw kung hindi ako papasok.
Kakatapos ng pagpupulot ko ng mga basura. You know naman na yung requirements namin sa Science. No need ko naman na sigurong ulitin.
Science Subject namin yun. Sa totoo lang, may konting takot ako sa Science teacher namin. Itsura niya palang kasi, parang mangangain na ng tao. Halos lahat nga kami sa room takot sakanya eh. Masungit kasi siya. May pagka-terror. Kaya lahat ng mga pinapagawa at pinapa-project niya samin, sinusunod namin. Walang panama ang pagiging lagaw nila Mo sa kanya! Himala ngang natatakot pala siya sa kanya eh!
Nagdidiscuss siya samin. Tahimik talaga ang buong klase pagdating sa kanya. Less talk, less mistake. Ewan ko lang kung anong meron sa kanya nung araw na yun. Aura niya kasi, parang galit. Nagparecitation siya that time. Kinakabahan ako, baka ako ang tawagin niya. Lahat kasi ng hindi nakakasagot, pinapatayo! Ayoko ng ganun!
Iniiwasan ko na nga siya ng tingin eh. Pero natawag parin ako para magrecite. Sobrang kinakabahan na ako that time kasi hindi ko alam ang isasagot. Tinawag niya ako para magsolve ng kung ano sa blackboard. Sobrang shock ako! God! Help me. hindi ko alam ang gagawin ko.
Pasimple nalang akong nagpunta sa blackboard… pero wala akong ginawa. Tumayo lang ako. Nakipagtitigan sa blackboard.
Ako -> (?____?)
Blackboard -> ( “____” )
Ano nga bang isasagot ng blackboard sakin kung sakaling magtanong ako sa kanya. Wala rin naman siyang alam. Hindi pa siya nagsasalita!
Tinawag ng Science teacher ko yung attention ko. Maluha luha na ako that time sa sobrang hiya. Imagine na nakatayo ako sa harap ng blackboard, wala manlang maisulat at wala manlang mapghingian ng tulong!
Eh kung magkunwariang faint nalang kaya ako dito sa harap. Para hindi na ako mapahiya!
Ayoko na talaga! Hindi na to makatarungan. Hindi naman kasi ako makatingin sa mga classmates ko. Alam kong lahat sila nakatigin na sa akin. What am I going to do!
Pinaupo na ako nung Science teacher namin. Pagkapaupo ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaliha nalang ako ng wala sa oras. Hindi ko na napigil ang emotions ko! Alam kong nakakahiya at hindi dapat ako umuyak dahil sa super babaw na dahilan, pero andito na ito, papanindigan ko na…
Nakonsensiya siguro yung Science teacher namin, madalang niya na kasi akong tawagin para mag-recite. Takot nang paiyakin ulit ako. Minsan nga kapag tinatawag niya ako, with matching turo nalang ang pagtawag niya sakin. Hindi niya na ako sinisigawan. Hindi na siya nagtataas ng boses…
Mo’s POV
“Tingin naman siya ng tingin nge!” bulong ko kay Me-an. Magkatabi kaming nakaupo sa likod. Sa may last row. Nagkataong wala kaming teacher that time. Komporme lang Gawain namin sa loob ng room.
“Si Xander?”
“OO! Kanina pa yan! Feeling niya gwapo siya!”
“crush mo naman eh! Ayaw mo nun! Malay mo crush ka rin niya!”
“duh! May Jelo na ako nuh!”
“dih dagdagan mo ng Xander. The more, the merrier!”
“hindi kaya kalandian yun?!”
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.