Thomas’ POV
Gumaganda si Kamille sa paningin ko!
aaaaarrrrrrgggggggghhhhhhh! @_@ ano ba naman tong iniisip ng utak ko! bat ayaw matanggal sa isip ko si Kamille! Lagi nalang siyang pumapasok sa isip ko kahit hindi invited! Ang mga mapupungay niyang mga mata, ang hugis puso at mukang napakalambot niyang mga labi, ang makintab at napakahaba niyang buhok, ang angelic face niya na hindi matanggal sa isip ko… para akong nasa alapaap sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga ngiting tila sinasabing “ibigin mo ako Thomas! Ibigin mo ako! Ika’y para sa akin at ako’y para lamang sa iyo!”
“oh aking Kamille, hindi mo alam kung anong hirap ang dapat kong danasin masilayan ka lang sa araw-araw. Pinipilit kong bumangon ng maaga at pumasok palagi upang masilayan ang iyong napakagadang muka. Ang mukang hindi kalilimutan kailanman! Ang mukang nakapagpadama sakin ng tuwa at ligaya… ang mukang aking inibig mula pa nung umpisa… kamille, tanggapin mo ang aking pag-ibig. Sa iyo lang ito at hindi na magbabago ang aking nararamdaman para sayo. Tanggapin mo ito oh aking irog, ang pagsintang ito!”
“hindi! Hindi maari Thomas! Ako ang babaeng hindi karapat-dapat sa katulad mong binata! Ako’y simpleng babae lamang at hindi ako mararapat sa pagsintang iyong inaalay. Patawarin mo ako oh Thomas kong giliw! Pagkat ang iyong inaalay na pag-ibig ay hindi dapat sa akin. Ako ay isang taksil! Hindi ikaw ang dahilan ng pagtibok ng aking puso kundi si Carlo Bangayan lamang!”
“oh kamille sa gabing madilim, bakit mo ako pinagpalit sa lalaking iyon! Ano ang nakita mo sa kanya?! Pimples?! Oil free ako! Ako ang dapat mong piliin! Ialay mo sa akin aking giliw ang iyong pagsintang inaasam. Ikaw lamang ang aking iniibig… ikaw lamang ang aking NENE!
“Thomas, im sorry, im not perfect. Im not the girl your looking for. Its complicated.”
“Kamille, magtagalog ka! Ikinalulungkot ko ngunit hindi kita maintindihan!”
“Shut up Thomas! Please lubayan mo na ako! Masaya na ako sa piling ni Carlo. Hindi kita mapapasaya! Aalilain lang kita!”
“matagal mo na akong alipin kamille. Alipin mo ang aking puso! Saktan mo ako! Igapos mo ako… isa lang ang masasabi ko… YOU DON’T KNOW ME!
“Anong konek?”
“bahala kang mag-isip!”
“Thomas, umalis ka na!”
“paano ako makakaalis kung nakabara ka jan sa pintuan! Try mo makkani jan!”
“Thomas!”
“don’t call my name, don’t call my name, Camarao!”
“ikaw ang bestman sa kasal namin ni Carlo. Sana’y mapaunlakan mo kami. Gusto kong nanduon ka sa espesyal na araw sa buhay namin.”
“Im sorry. I have some important things to do.”
“I can move the wedding! Kelan ka ba free?”
“sa Sabado!”
“sabado ngayon!”
“edih sa next Sabado!”
“hindi ako pwede!”
“at bakit?”
“makikipag-chat ako kay Simsimi. Ayokong maistorbo!”

BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Fiksi Remajaeto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.