CHAPTER 18

71 16 0
                                        

Mo’s POV

“Eto nalang oh! Mas mahaba!” ipinakita sakin ni Jeb yung hawak niya.

“hindi! Mas pangit yung mahaba! Dapat yung maiksi lang para medaling maipasok,” sabad naman ni Me-an (paa ang ibig niyang sabihin dito)

“ano ba talaga? Itong mahaba? O maiksi?” curious ko nang tanong

bahala ka! Ikaw naman bibili eh! Ikaw naman magsusuot!”

etong mejo mahaba na nga lang!” sabi ko at ibinigay sa tindera yung pinili ko.

Pumipili kasi kami ng biblhin kong rubber shoes na high cut. Reregaluhan ko lang ang saril ko. since yung pambili ko eh galing sa sariling ipon ko. malapit na kasi ang birthday ko. isinama ko pa sila Jeb at Me-an para tulungan akong makapili kaso nag-aaway lang naman sila kung anong mas magandang bilhin. Binili ko nalang yung di gaanong mahaba. Katamtaman lang. color black siya. Nag-uumpisang umuso kasi yung mga high cut nung panahong yun. kaya makikiuso lang naman ako.

Bumalik kami sa school. Sa Paseo palang, trinay ko na siyang isuot. Hindi ko na siya tinanggal at hanggang school eh suot-suot ko parin yun. cool daw sabi ng mga classmates ko. bagay ko din daw. cool siya noon. Pero kung isusuot mo siya ngayon tapos naka-uniform ka pa, kabaryotikan na ang tawag dun! hindi na cool! Baryotik na ang tingin ng tao sayo!

Isang araw bago sumapit ang birthday ko, dumating si Karla sa bahay. Kami kasing dalawa yung magka-partner sa dialog sa English namin. Yung about sa isang babaeng nagbalik-bayan sa Pinas pero nakalimutan na yung culture niya. Tapos nireject yung pag-ibig ng kababata niyang lalake. Ako yung mag-aact na lalake sa dialog at si Karla naman eh yung babae. Asiwa ako nung una pero no choice naman.

Nag-practice kami sa bahay. Dun narin siya kumain ng lunch sa bahay. Dumating din yung pinsan kong si Ain sa bahay. Dating elem classmates kasi sila ni Karla. Hindi naman nagtagal si Karla at sinundo siya ng Daddy niya sa may highway namin. Nung makaalis si Karla, sumama ako sa barkada. Birthday kasi ngayon ng isa naming barkada. Sa bundok yung venue.

Kinabukasan naman, birthday ko na. buti nalang at walang pasok. Naging holiday pa ang birthday ko! sinabi k okay Mama na simpleng chibugan nalang yung idaos since hindi naman ako mag-iinvite ng mga classmates. Mga barkada ko lang ang ininvite ko nung mgahapon na. pagkatapos ng kainan, nagbonfire kami sa bundok.

Madami sa mga classmates ko ang bumati sakin. number si JULLY! Hindi kasi yun nakakalimot sa mga may birthday.

Kinabukasan, hindi kami pumasok nila Me-an at Jeb sa mga klase namin. Niyaya ko sil sa bahay. Pinalamon ko sila. Nilantakan pa nila yung isinerve kong malaking tinapay na lechon ang itsura. Kamuntik pa kaming mag-away ni Jeb dahil kinain niya yung puwit nung baboy! Dato ko na ngang sinabing akin eh! Pero kinain niya parin! Hindi ko siya napatawad dun sa ginawa niya!

English time…

Performance na namin dun sa dialog. Buti nalang at last subject namin nung hapong yun ang English. Dagli akong nag-palit ng uniform at isinuot yung costume ko. ganun din ang ginawa nung ibang mga classmates ko. pagkatapos makapag-suot ng costume, ibat ibang reaksyon ang sumilay sa isat isa.

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon