Dumaan pa ang maraming araw at buwan sa Freshman year ko. Lumawak na ang circle of friends ko. Lately ko lang din nalaman na may mga kaklase pala akong nakatira din sa CH. Yun yung subdivision namin. Hindi siya mukang subdivision pero pwede naring matirhan!
One time biglang naulan nang hapon. Hassle namang mag-abang ng masasakyan sa parkingan para makauwi. Wala pamandin akong payong. Naka salubong ko so Jer at Dale na kapwa mga taga CH din na mga kaklase ko.
“Uwi kana? Sabay ka na samin. Mag-capacity nalang tayo.” Sabi sakin ni Jer
“O sige”
“Mag abang ka na then ng tricy sa labas!” sabi niya pa
O.O whaaat???!!! Bat ako mag aabang ng tricy!
“teka bat ako? Kayo na wala akong payong!”
“wala din naman kaming payong ni Dale eh! Ikaw na kaya mo yan!
Wala na akong nagawa. Since atat na akong umuwi at basang basa narin naman ako, sinulit ko na. sumugod na ako sa ulan at nag abang ng tricy.
Sakto namang nakita ko si Me-an na nag aabang din. Kasama si Madz. Tinawag ko na sila tapos nag abang na kami ng tricy.
May naabang naman kami. Tinawag ko na yung dalawang LALAKENG nag hihintay sa may waiting shed.
“isabay na natin si Lester”
“anim na tayo”
“kasya yan!”
Since taga Sunshine lang si Me-an, siya unang bumaba. Tapos next si Madz na sa highway lang. at naiwan akong mag-isang babae. Syempre medyo ilang ako kasi tatlong lalake ang kasama ko sa tricy.
Pagdating sa CH, ako yung unang hinatid nung driver sa street namin. sa first street kasi yung bahay namin.
Nung magbabayad na ako,
“Mo, libre mo na kami!” sabi ni Lester habang nag-bibilang ako ng barya sa kamay ko
“wala akong pera!”
“Geh na! 40 lang naman babayaran mo!” sabat naman ni Dale
“oo nga! Geh na! manlilibre na yan!”
“wala nga sabing pera eh!”
“geh na!”
“manong wag tayong aalis dito kung di niya babayaran pamasahe namin”
“alla!”
Tapos nakatingin na sakin si Kuya Driver
“oh ayan! Badtrip! Ako na nga nag abang ng tricy tapos papalibre pa kayo!”
“mabait ka naman Mo eh!”
“tae kayo!”
Tapos umalis na sila. Since, sa kanto lang ako ng street namin binaba nung driver, kelangan ko pang maglakad para makauwi sa bahay. Eh wala akong payong! Di tinakbo ko nalang hanggnag makarating ako sa bahay.
Inatake na ako ng lagnat kinagabihan… >___<
Kinaumagahan, kahit masakit ang katawan ko, pinilit ko paring pumasok! Ako yung tipo ng studyanteng kahit may sakit eh pumapasok parin!
English time yun. Naghahanap ng contestant yung English teacher namin para sa dramatics Reading na gaganapin ng hapon. Ako yung napili na mag-represent ng Setion namin. Ayoko sana kaso no choice! Napilit din kasi yung teacher namin.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Novela Juvenileto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.