CHAPTER 5

113 16 0
                                    

A/N: Hindi ko na talaga maalala yung iba. Sorry DOS, kung may pangyayaring importante na hindi ko maalala at wala dito.

Nakakatorta din naman kasi isipin lahat yung nangyari! Nakakabaliw.

Buti nalang wala akong amnesia…

Maryjune’s POV

Wow! Ako talaga ang unang nagkaroon ng POV dito ah! Dapat lang no! ito’y bilang kabayaran narin ng mga pang-aasar at pang-iinis sakin ng Author nung 1st year at hanggang ngayon! Hehe…

Ayos na yun sakin, wala naman akong sama ng loob sa kanya! Love love love ko parin siya. J

Wednesday…

Pagpasok ko… agad akong nagpulot ng basura… Requirement naman kasi samin yun!

Pagbalik ko ng room namin, nakita ko na nakatambay si Me-an na classmate ko sa labas ng room. Himala atang wala pa si Mo! Hmm… siguro, hindi pa siya pumapasok! Malamang late!

Nakakainis narin sila minsan! Hindi lang ako kumikibo pag inaasar nila ako pero deep inside nakakasakit na sila! Pinapabayaan ko nalang sila ni Me-an. Wala naman akong magagawa eh! Ayoko rin ng away! Sadyang nag-eenjoy lang siguro sila sa ginagawa nila.

Akala ko sobrang bait niya eh!... yun kasi ang first impression ko sa kanya nung unang pasok at unang kita ko palang sa kanya. Ang amo kasi ng pagmumuka ng Mo na yun! Mukhang tahimik, at parang siya yung tipong hindi ka iimikan kaagad kapag kinausap mo!

Pero kabaliktaran pala ang lahat! Ang INGAY-INGAY niya! Ang kulit-kulit! Sobra siyang mapang-asar! Nakakabadtrip ang lahat ng ginagawa niya! Nakakairita narin siya!

Hell ang mundo ko pag andyan lang siya sa paligid!

Lumabas ako ng room.

At ayun nga, nasa labas si Me-an… tumambay muna ako  sa labas.

Mga ilang minute lang dumating narin si Mo… agad niya ako nakita… tapos nagtinginan sila ni Me-an. sabay silang nagngitian! May balak na naman ata silang mang-asar sakin. Kainis talaga!

Nakita kong lumabas si Mo. Magpupulot siguro siya malamang kasi may hawak siyang supot at kasama si Lourdes.

Palapit na ng palapit ang flag ceremony. Papunta si Ma’am English sa room namin. Nakita niya kami ni Me-an sa labas.

“Where is Mo?” tanong ni Ma’am

“Ma’am, nagpulot lang ng basura. Bakit ba Maam?” Si Me-an

“Tell Mo na siya ang magbi-beat sa flag ceremony ngayon.”

“Ano Ma’am? Bakit?” tanong ulit ni Me-an

“Basta tell her punta agad sa stage mamaya”

“ok Ma’am” sabi ni me-an na parang nag-aalangan.

Pagkarinig ko nun, pumasok ulit ako sa room. Umupo muna ako sa chair ko. Nagpalipas lang ng oras.

Nakita ko na si Mo na pumasok sa room.

Sasabihin ko kaya sa kanya yung sinabi ni Ma’am?

Sus! Wag na! baka sabihin niya FC ako! Baka bangasin niya pa muka ko! Wag nalang!

Nakita ko si Me-an na nilapitan si Mo. Tapos may sinabi. Sinabi na siguro ni Me-an yung about dun sa sinabi ni Ma’am English.

Nakita ko kung paano mag-react si Mo sa sinabi ni Me-an… gulat na gulat! Halatang ayaw  eh!

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon