Naging kabarkada din namin yung grupo nila Rigor. Pero hindi naman yun nagtagal. Matapos nilang makuha yung number ni Jerum, madalang nalang namin silang makasama. Kinuha din nila yung number nila Gelo at Xander na mga kaklase din namin. Sa totoo lang, naging kilala yung section TWO noong 1st year namin dahil nga sa mga ‘gwapo’? kong mga classmate. Noon lang naman!
Madalas ngang magtanong sakin si Jerum kung may kilala daw akong Abigail. Sa akin daw kasi kinuha ni Abi yung number niya. Deny naman ako ngam. Usapan kasi hindi sasabihin ni Abi na ako nagbigay ng number sakanya. Kaso sinabi niya, kaya nagdedey ako. Abnormal na Rigor yun, akala ko tibo eh! Itsura niya palang kasi parang tomboy na. hindi pala.
February 20, 2009 --- birthday ni Me-an yun. hindi niya sinabi samin na birthday niya pero nalaman lang namin sa di maalalang pangyayari. Bago sumapit yung birthday niya, nag-contribute na kami nila Jully, Lourdes, karla, Diana at Laarni ng para sa regalo niya. Since ako daw ang pinaka-close kay me-an, sakin nila itinanong kung anong gusto ni Me-an na regalo. Wala naman akong naisagot kasi hindi naman kasi nag-open ng topic about sa mga gusto niya si Me-an. Sinabi ko nalang na komporme nalang bilhin nila. basta wag pagkain saka picture frame.
Sila Diana ang naatasang bumili ng regalo. Nung araw na ng birthday niya, tinanong ko kung ano yung binili nila. pinakita naman nila sakin. kulay blue na maliit na notebook tapos may maliit na ballpen sa gilid yung nabili nila. na-curious naman ako.
“Ano to?” tanong ko
“Diary yan! Ganda no!” sagot ni Jully
pinagmasdan ko ng mabuti yung notebook. May picture yun ng baby elephant at monkey na magkayakap tapos sa gilid niya may nakasulat na ‘hello nice meeting you!’ tapos sa taas may mga ulap at airplane na aso naman ang sakay at naka-wave pa ng hands. Tapos may ibon sa baba at may hugis pusong smiley.
Napahalakhak ako sa tawa…
“anong nakakatawa?” tanong nila sakin
“eto ibibigay niyong regalo sa kanya? Para lang kayong magreregalo sa isang 3 years old na bata!”
“nagtanong naman kami sayo kung anong dapat iregalo eh! Hindi ka naman nagbigay ng idea!” Sagot ni Diana
“sana naman hindi ganito! Tingnan niyo nalang ang naging reaksyon ko! Yun din ang magiging reaksyon ni Me-an mamaya pagkabigay niyo nito!”
“alangan namang papalitan eh saying din to!” kinuha ni Jully sakin yung notebook na diary saka binalik ang supot nito.
“sige then, yan na ibigay niyo! Matutuwa siya jan, promise!” yun lang ang sinabi ko saka umalis na palabas ng room. Aabangan ko si Me-an sa pagpasok niya para maigreet.
Dumating si me-an, late… pagbigyan natin, birthdat niya eh! Excited naman na binigay nila Jully yung regalo. Pagkatingin ni Me-an…
Siya--à o.O
Ako--à O_O
Jully--à ^____^
Siya--à “__”
Ako--à >___<
Jully--à ^____^
Ako--à :O
Siya--à ;L
Jully--à ( *__*) (*__* ) ( *__*) (*__* )
“Thanks!” sabi ni Me-an. Diko na narinig yung ibang sinabi ni Jully kay Mean. Tinawag na kasi ako nila Arielle na leader namin sa group sa Science subject.
![](https://img.wattpad.com/cover/1013543-288-k733236.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.