CHAPTER 3

164 17 0
                                    

Excited akong pumasok sa school ngayon. Naitakas ko kasi yung cellphone ni Mama. Pasadya ko talagang di binalik sa kanya, kunwari daw naman nakalimutan ko ibalik. Wala pa kasi akong masasabing permanent phone that time. Nakikigamit lang ako ng phone kay mama or di kaya sa ate ko.

Pagdating ko ng school, masigla naman akong nagpulot ng basura sa buong campus. Tapos pasimpleng palabas labas daw naman ng dala kong cellphone! Feeling pa kasi ako nun eh! Haha

Ang lakas ng loob kong nanguha at mag save ng numbers ng mga kaklase ko! Ang sarap nga kasi ng pakiramdam na nakahawak ka ng phone eh!

Half day na naman yun. Ang saya ko talaga every half day! ^__^

Since wala namang magawa at ayaw pa naming umuwi ng maaga ng RIOT AM, nagkayayaan kami na magpunta sa dating school ni Madz. Sa Christian Baptist Academy. Napasama din samin si Lai na kaklase din namin.

Maliit lang pala yung school na yun. Halos wala pang sampu yung pupils sa bawat grade at iisa lang ang section. Pero bilib din ako kasi masyado silang well discipline. Mababait din ang mga tao dun! It figures kay Madz. Nilibot pa din namin yung buong school. Parang naglibot lang kami ng malaking bahay. After that, nagsiuwian na kami.

Nagbigay ng assigned recitation project si Mrs. Lena sa Social Studies. Adviser namin siya and at the same time Soc.Sci teacher. Kelangan daw namin idrama yung himagsikan nung unang panahon. Yung kina Magellan at Lapu-Lapu. Bali kami yung first group. Hinati kasi yung class sa 3 groups.

Ang saya ko kasi kagrupo ko si Gelo! Ang swerte ko talaga! Hahaha

Next week na yung presentation kaya kelangan na naming magpraktis kaagad.

Sabado kinabukasan…

Usapan kasi namin ng mga kagrupo ko na magkita-kita sa school tapos didiretso kami sa bahay ng kagrupo din naming si Kamz. Siya lang kasi yung may available na bahay.

Pagdating namin sa bahay nila, nadatnan naming naglalaba sila ng mama niya. Syempre naghintay muna kami. Agad na kaming gumawa ng script tapos gumawa ng mga props. Minsanan lang kasi ang practice namin kaya lulubos lubusin na namin. Hindi naman kami kumpleto. Kulang kami sa lalake. Buti nalang meron sila Gelo at Gary. Sila na yung mga mag-aact na Magellan at Lapu-lapu

Gumawa kami ng mga improvise na espada, panangga, at kung anu anu pa na kelangan sa play. Salamat nalang sa kapatid ni Kamz dahil tinuruan niya kami sa script at sa pag-acting kung anu ba ang dapat gawin. meron lang kasi yung time na sinisigawan kami ng ate niya kasi hindi namin magawa ng maayos yung pag-acting. pero ok lang, wala naman akong sama ng loob sa ate ni Kamz. :) 

Sumapit ang araw ng presentation at nagperform na kami. Ang galing talaga ng grupo namin! Kami nga yung may pinakamataas na grade eh! Ang galing ko kasing actress! ^______^v

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Week end yun. Ang sarap ng tulog ko dahil sa wala namang pasok. Ginising nalang ako nila mama. Ayoko pa ngang bumangon eh! Sabi ni Mama, pupunta daw kami sa Callao ngayon. Kung bakit? Hindi ko na maalala. Bibisita siguro kina Grand parents

Agad akong nagbihis tapos nakita ko si Ain. Pinapatanung ni mama kung gustong sumama ni Ain. Magkapit bahay lang kasi kami nila Ain.

Umoo naman siya.

Ayun, nagpunta nga kami. Buong pamilya. Kasama pa namin yung pinsan kong ki Kuya Rodel. Pagdating namin dun, nagkayayaan kami nila Kuya na maglaro sa Play Station. Kahit medyo mainit eh naglakad parin kami. May kalayuan naman kasi yung Tindahan kung nasaan yung Play Station.

Dun naubos yung pera namin dahil basta pag may buong pera kami, pinapabarya namin sa may tindahan para maihulog sa Play Station. Piso-pisong ihuhulog kasi yun. at piso per game.

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon