Pinagtulung-tulungan muna naming isakay yung mga tamado naming kasama sa van. Inalalayan pa namin sila. Lalo na si Lindsay. Iinum-inom hindi naman pala kaya! Sows!
Sa pinakalikod ako ng van umupo. Yung mga upuan kasi sa mejo harap eh okupado na ng mga tulog naming kasama. Tumabi din sakin si Aldus. Tapos tinanggal niya yung polo na suot niya kasi nasukaan pa siya ni Panis. May suot pa naman siyang white na sando.
Tinetext ko sila mama. Ipinaalam ko ang sarili kong hindi na nga makakauwi dahil makikitulog na nga kunwari ako sa isang classmate sa Caritan. Pinayagan naman nila ako. Wala na silang magagawa eh. Sobrang katahimikan ang nanaig. Kahit pa may mahinang music na pinapatugtog si Thor sa stereo sa harap. Mahina lang yun at naririnig ko parin kung ano yun. Statue ang title ng kanta. Isa sa mga paborito ko.
“nanlilligaw ba sayo si Rhan?” biglang tanong ni Aldus. Napatingin ako sa kanya. Pero umiwas siya ng tingin sakin.
“close lang kami. Bakit?” hindi ko sinagot ng tama yung tanong niya.
“dapat wag mo muna siyang sagutin.” Napatingin na naman ako sa kanya. Umiwas na naman siya ng tingin.
“at bakit naman?” curios kong tanong
“…kase… bata ka pa. bawal pa sayo!” sinabayan niya yun ng mahinang tawa.
“hindi na ako bata no. grown up na ako! Halos kaedad ko lang naman kayo eh!”
“kahit na. basta wag muna.” Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa bintana ng sasakyan. Parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya masabi. Hindi nalang ulit ako umimik.
“may gusto akong babae kaso hindi ko masabi sa kanya yung nararamdaman ko. natotorpe ako. Tapos nalaman ko pang gusto pala siya ng isa kong barkada. Ayoko naman kasing lumabas na mang-aagaw.”
Tiningnan ko lang siya. “sino yung babae?”
“kilala mo siya.” Ngumiti siya
“nasa clan?”
“oo.”
Naisip kong baka si Mau yun. kasi feel ko, gusto rin siya ni Kian. Madals kasing magsama sila Mau at Kian. Tapos nakikita kong minsan pag magkasama sila, lumulungkot ang mundo ni Aldus. Ahyie! Bongga naman tong Mau na to! Haha ^^v
“bat di mo nalang sabihin kay Mau na gusto mo siya? Kahit naman lagi silang magkasama ni Kian, hindi pa naman sila diba? So may pag-asa ka pa. malay mo, close friends lang din sila. Diba?”
Tumingin na naman siya. Lalong lumungkot ang muka niya. “sige, sasabihin ko sa kanya. Sana, hindi siya magalit. Di kaya magulat. Sana din hindi ako bugbugin ni Kian kung umamin ako at nagkataong gusto niya nga talaga si Mau.”
“ano ka ba! Hindi yan. Aamin ka lang naman eh! Kung ako si Mau, matutuwa ako. Hindi kita irereject.”
He just smiled at me. pale na smile. Nagtataka tuloy ako kung nakainom ba to o hindi. Kakaiba kasi siya magsalita. Nakarating kami sa Rio. Pinagtulungan na naman naming buhatin yung mga lasing. Tatlo ang kwarto sa bahay nila Benjo. Isang masters bedroom na hindi pwedeng pasukan. Yung isang kwarto, dun ang kwarto naming mga girls pag nag-oovernight kami dun. yung isa naman para sa boys. Unfair sa part nila kasi tatatlo lang kami sa isang kwarto tapos seven na sila sa isang kwarto. Lumabas ako saglit ng kwarto at nakita ko si Aldus sa may sofa sa sala. Hindi na siguro sila kasya sa kwarto kaya sa sofa nalang siya. Wawa naman siya.

BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.