6pm dinner meeting at Rio tomorrow
Nabasa ko yung text ni Benjo. Ano na naman bang pumasok sa utak nito at nagtawag ng meeting. At gabi pa! may pasok kaya bukas! Parang tanga lang to nge!
7pm ako nakarating sa Rio. Nauwi na kasi ako sa bahay para kumuha ng mga gamit dahil sigurado namang hindi na ako makakapasok bukas. Pagdating ko dun, walang maingay… kaya naman pala. Ako saka si Kian palang kasi ang meron. Wala pa yung iba. Sila Benjo daw, sinundo sila Mo at Mau. Sila Thor at Panis on the way palang. Halos magkasunod lang sila Lindsay at Rhan na dumating. Sus! nalagot na. moment of truth na naman mamaya.
“nasan si Misis Dude?” tanong ni Kian kay Rhan. Halata namang mejo nairita ito dahil sa term na ‘Misis’
“nasa bahay, kabuwanan na niya ngayon.”
“wow! Daddy na ang tarantado!” mabilis naman itong tinapunan ni Rhan ng unan pagkasabi nito.
Maya maya pay may humintong pick up sa harap ng gate. Sila Benjo. Saka namang dating nila Thor at Panis sakay ng scuter. Ayan, kumpleto na!
Nang makapasok sila sa bahay at magkita kita, lahat natahimik. Parang di magkakakilala.
“Kain na tayo.” Tinawag ni Benjo yung kasama nila sa nahay para maghanda ng pagkain. Saka kami kumain. Sa mismong tapat ako ni Mo umupo. Inagawan ko si Kian dahil dun sana siya. Si Rhan naman, humila ng isang upuan at naupo sa tabi nila Thor.
Napaka-awkward ng eksenang ito para samin. wala kasing umiimik. Di gaya nung mga nakaraan. Maingay, nagkukwentuhan at nagtatawanan, ngayong hindi na. ibang iba sa dati.
“Seryoso ka nab a sa decision mo Mo?” baling ni Benjo kay Mo. Napatingin ito sa kanya
“oo Kuya.” Natawa sila Kian at Panis.
“Kuya? Desidido na nga! Moratal sin ang tawagan ng KUYA at ATE sa atin diba?” natatawang sabi ni Kian
“hindi ko naman ginagawa to para umiwas eh. Feel ko lang hindi na dapat ako mag-stay dito.”
“bakit naman? Ayaw mo nab a kaming makasama?” tanong ni Mau
“hindi naman, kaso, laging pangit na ang atmosphere kapag kumpleto tayo. Hindi niyo bay un napapansin? Hanggat pareho kaming nandito ni Rhan, magiging laging pangit ang atmosphere natin. Laging walang imikan. Gets niyo?”
“you’ve grown Mo.” Sambit ni Lindsay. “may point din naman siya diba?”
“eh bakit kailangang siya pa yung umalis, pwede namang yung iba jan.” hindi ko na napigilang sabihin yung kanina pa gusting lumabas sa bibig ko. sinabi ko ito matapos tignan si Rhan.
Alam kong natamaan siya sa sinabi ko. eh totoo naman kasi eh. Pwedeng siya nalng yung umalis total siya yung dahilan ng sigalot sa clan.
Agad tumayo ng walang paalam si Rhan saka lumabas. Hinabol naman siya nila Kian at Mau. wala na akong pakialam kung gaano siya ka-affected. Takte! Madami pa akong gusting sabihin eh. Bat kasi umalis siya agad eh hindi pa ako tapos sa mga sasabihin ko! nagpatuloy nalang akong kumain kahit alam kong tinitignan ako ni Mo dahil sa sinabi ko.
Kian’s POV
Tinipon ulit kami ni Benjo sa sala matapos ang madramang tagpong yun. masama ang tingin ni Rhan kay Aldus. Dahil yun sa sinabi ni addu kanina nung kumakain kami. tong addu na to! Wag naman sanang pa-obvious na may gusto siya kay Mo. Hindi pa masyadong ayos yung problema eh agad na sumisingit!

BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Fiksi Remajaeto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.