Chapter two

273 3 0
                                    

Dianne's POV

Nandito nako ngayon sa faculty room, hinihintay ko nalang ang oras ng klase ko. May 30minutes pa ako.

"Hi yhan!" bati sakin ni Ara na kakarating lang. Ara Eve Vergara is one of my closest friend. Actually, lima talaga kaming magkakabarkada...si Ara, kath, el, shella at ako...pero madalang nalang kaming magkita-kita. Si Shella kase nasa London na to manage their family business there, si el naman...ewan ko dun kung nasaan na.=__= Kaming tatlo nalang tuloy nina Ara at Kath ang magkakasama.

"Hello." walang ganang sagot ko. Iniisip ko pa din kasi yung naging trato sakin ni Jake kanina. Hay! kailangan ba talaga niyang ipamukha na ayaw niya saken? Tangap kuna nga e! Nakakainis lang yung fact na kailangan pa niyang sabihin ng harap-harapan saken!

"Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" kunot-noong tanong ni Ara saken. Tsk! kung pwedi ko nga lang sabihin sakanya!

"Wala. puyat lang ako." pagsisinungaling ko. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.=_=

"Wala? pero kung makapag-sangalumbaba ka, dinaig mo pa si Ninoy Aquino sa 500 peso bill?! Tsaka pinupuno muna ng carbon dioxide ang paligid sa kakabuntong hininga mo e! Naku Dianne! matagal na kitang kilala kaya bawat galaw mo, alam kuna bago mo pa sabihin! Si Jake nanaman no?" paglilitanya niya.=__=

"Kung ako dinaig si Ninoy sa pagsalumbaba ko, ikaw naman dinaig mo si PNOY sa sona mo!" sagot ko at pinanlakihan siya ng mata. Ang ingay eh! Balak yata niyang ibulgar sa buong earth ang feelings ko.>_< Sana pala kung ganon, nag'gm nalang siya!

"Tsk. So? Ano nanaman ba yang tungkol kay Jake...let me guess" then she placed her index finger on her temple, yung parang may iniisip.=__= May isip nga kaya siya? I doubt it.

"Ah! tungkol sa girlfriend niyang si Czary no?" malakas na sabi niya. Argh! mababaliw ako sa babaeng to!

Babawalan ko palang sana siya na wag maingay ay nagulat naman kame ng biglang bumukas ang pinto ng faculty room at pumasok si Jake!

"Anong tungkol kay Czary? Bakit niyo siya pinag-uusapan?" nagkatinginan naman kami ni Ara sa biglang tanong ni Jake...Pinandilatan ko siya ng mata and gave her a 'Ikaw-kase!" look but she just shrug at pumunta na sa table niya.=__= Iwanan ba naman ako sa ere. Ganyan naba talaga ngayon ang meaning ng true friend?

"I'm asking you! what about her?!" medyo tumaas na rin ang boses ni Jake ng hindi ako sumagot na ikinagulat ko.

"Nothing! It's just that....ahm--"

"What?!" shit! ano naman kayang palusot ang sasabihin ko?! Err! Humanda ka talaga saken Ara!

"Natatae siya!" napatakip naman ako sa bibig ko sa sinabi ko. Luh! saan ko naman galing yun?

"What?" tanong ulit niya. Si Ara naman natatawa lang sa tabe.=__= Bakit naman kase natatae siya ang sinabi ko e!

"Ah...I mean...kahapon kase sumakit tiyan niya kaya kala ko natatae siya." Great! ano naman yun? Tsk! I'm really bad when it comes to making excuses.>_<

Napatingin ako kay Jake and he is just staring at me in disbelief. Napailing nalang din siyang pumunta sa table niya.

After that awkward moment ay inaya ko na si Ara na pumunta na sa mga klase namen....Pero hanggang ngayon ay tinatawanan lang pa rin niya ako.=__=

"Will you please stop laughing!" I said while glaring at her. Nakakairita na e. Masyado na siyang masaya!

"S-Sorr---hahaha e ikaw naman kase!hahaha" napapahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa kakatawa.=__= Pigilan niyo ko kung hindi baka ihulog ko to sa hagdan!

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon