Chapter twenty nine
Kathleen's POV
"Waaaaaah! Where is baby Aki?!"
Hala. Nawawala si baby Aki! What am I gonna do? Shemay! Actually, kakagising ko lang tapos sa kwarto kaagad ni baby Aki ang diretso ko. And now, wala siya sa crib niya! Imposible namang naglayas siya. Duh?! 6 months old palang yun kaya imposible talagang umalis yun mag-isa!
Narinig ko namang bumukas yung pinto at pumasok si Ian.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya. Tinuro ko naman yung crib ni baby Aki. Di niya gets kaya kinunotan niya ako ng noo.-.-
"Aki is missing! Sabi mo ikaw muna ang magbabantay para makatulog ako...and now, where is he?!" sigaw ko. Wala naman talaga akong balak sisihin siya eh. Kaso lang, natataranta na talaga ako. Nakita ko ring kumunot ang noo dahil sa sinabi ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para pakalmahin. Nung nakita niyang medyo kumalma na ang itsura ko ay bigla naman niya akong pinitik sa noo. And to tell you honestly, masakit yun!
"Why did you do that?!" I hissed. Hawak-hawak ko pa rin ang noo ko na pinitik niya. Feeling ko namula.>_<
"You're over reacting again! Dumating kanina sina Lance dito at kinuha muna siya." sabi niya kaya nakahinga nako ng maluwag. Tumalikod na din siya at lumabas na ng kwarto. May niluluto pa daw kasi siya.
Whoo! Akala ko talaga ay nakidnapped na si Aki. Buti nalang at sinundo lang pala siya ng parents niya. Oo, anak ni Lance at Karla si baby Aki. Mag-iisang buwan na rin silang may business trip dito sa Amsterdam. Since dito din naman kami nakabase ni Ian ay iniiwan-iwan muna nila samin si Aki kapag busy talaga sila. Dahil sa mabait ako ay pumapayag nako.hoho Pero, kidding aside, inaanak ko si Aki kaya okay lang talaga saken na ako muna ang mag-alaga sakanya paminsan-minsan. Wala din naman akong pinagkakaabalahan dito bukod sa Mini Pastry Shop na itinayo ko malapit lang dito sa bahay. Mahigit isang taon na din ang lumipas mula nung dumating kami sa Amsterdam ni Ian. Sa loob ng panahong yun ay maraming bagay ang nangyare na di ko inaasahan. Tulad nalang ng pagkakaayos naming dalawa ng kapatid ko pati na rin ni Lance. Actually, lahat yun ay dahil kay Aki. Mula kasi nung nagkaanak na si Karla ay bigla nalang siyang nagbago at bigla nalang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya. Siguro kase narealize niya na hindi magandang makita ng anak niya ang hindi magandang pag-uugali niya kaya pinilit niya itong baguhin. At ako naman, sino ba naman ako para hindi magpatawad diba? Atsaka marami namang magandang nangyare mula nung nagbati kame.
Narinig ko namang bumukas ulit ang pinto at pumasok ulit si Ian. May dala-dala siyang kahon at inihagis niya to saken, "Magbihis kana. Yan nalang ang isuot mo." sabi pa niya.
Binuksan ko naman kaagad yung kahon at tulad nga ng inaasahan ko ay gown ang laman nun. May gaganaping party kasi maya-maya lang. A congratulatory party para kay Ian. Naging succesful kasi yung kauna-unahang project na ginawa niya. Hindi man halata pero magaling palang mag'paint si Ian. Hindi pa man nga siya gumagraduate ay marami ng nag-aagawan sa mga gawa niya. Sa party din mamaya.gagawin yung bidding para sa iba pang gawa niya. Para na rin yung exhibit.
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna yun sa bulsa ko. I saw Tita Mei's name on screen kaya kaagad ko itong sinagot. Mahirap na, baka mapatagal pa ang pags'stay namin dito kapag di ako nagbehave sakanya.-,-
"Hello Tita...Bakit po?" tanong ko. I heard her sigh on the other line.
[I just want to tell you that...you won our deal.] she said then hung up.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya, "I know Tita." bulong ko kahit alam kong hindi na niya ako maririnig.
About our deal, I think it's about time para sabihin ko na kung tungkol saan talaga yung deal namin ni Tita Mei.
BINABASA MO ANG
Battle for Love
Fiction généraleHow far can you go in the BATTLE called LOVE? Who will lose? Who will win? Will you fight? or Will you run? The decision is yours...