Chapter thirty five

100 1 0
                                    

Ara's POV

Sobrang aga kong nagising kaya tuloy ang sakit ng ulo ko. Hindi kasi talaga ako morning person kaya ganun. Ang mas masaklap ay di rin ako nakatulog ng maaga kagabe kase feeling ko namamahay ako. >.<  Pinauwi kasi ako ng parents ko kahapon sa bahay namin at dito na rin nila ako pinatulog. Madalang lang naman silang umuwi dito sa Pilipinas kaya pinagbigyan kuna. Yung kasing family business namen ay sa Japan naka-base.

Nakaligo na rin naman ako at nakapagbihis kaya naisipan ko ng bumaba. Sakto namang pagkababa ko ay nakita ko si kuya na palabas na ng bahay at bihis na bihis. 'San kaya pupunta 'to?' I wondered. Ang aga pa kase tapos aalis na siya agad?

"Kuya! May lakad ka?" I asked bago siya tuluyang makalabas.

Lumingon naman siya at kaagad akong nginitian. "It's Aubrey's death anniversary. Dadalaw lang kami sa puntod niya."

"Kayo? Sinong kasama mo?" I asked him again at naglakad na ako palapit sakanya.

"Si Min tsaka si Lee." he replied and I nod.

Sabay din kaming napatingin sa labas ng gate ng marinig naming may bumusina. I arched a brow when I saw El gets out of that car at dire-diretsong lumapit samin.

Nginitian din siya ni Kuya Zac at kaagad na inakbayan ng makalapit na ito. "Ah, I forgot to tell you, kasama din pala namin siya."

Mas lalo namang kumunot ang noo ko because of what he said. Tae! Si El kasama tapos ako hinde?! Ang daya! Hindi ako papayag! Dapat kasama din ako!

"Wait here. Kukuha lang ako ng gamit. I'll also come with you!" sabi ko at nagmadali ng pumunta sa kwarto para kumuha ng damit.

Mahirap man paniwalaan pero sa Korea pa nakalibing si Aubrey at doon din ang punta nila ngayon. I want to come para makita man lang kahit puntod ng babaeng sobrang minahal ni kuya noon. Even if he keeps on telling na si El na ang gusto niya ngayon, he can't still hide the fact that Aubrey still has its place on his heart. Dati pa ay sobrang curious kuna talaga sa babaeng 'yun. Nabalitaan ko kasi na iniyakan talaga ng todo 'yun ni Kuya.

After several minutes ay bumaba nako at lumabas at nakita ko na rin silang naghihintay na sakin sa labas ng sasakyan.

"Let's go." I said at inunahan ng makasakay si El sa tabi ng driver's seat. She just rolled her eyes at me in return.

Ayoko naman talagang agawan siya ng pwesto e. May mga gusto lang kasi akong itanong kay kuya at feeling ko awkward kung nasa likuran ako. -.-

As soon as we all gets in the car, kuya started the engine. Sa airport nalang daw kami magkikita-kita nina Min. Si Lee naman ay b'byahe na rin daw papuntang Korea. Mabuti nalang din at kaibigan nina Kuya yung anak ng may ari ng airport kaya willing itong ipahiram ang isa sa mga private planes doon. Sosyal diba? -.-

"Kuya." I said at lumingon naman ito saglit saken. "I just wonder, bakit parang hindi man kayo affected sa pagkawala nina Kath? Si Min, nawalan siya ng kapatid pero parang hindi man siya umiyak. Lalo naman si Lee! He said he likes Kath pero di man lang siya umuwi sa Pilipinas! Feeling ko tuloy ako lang ang sobrang nadepress."

I heard him chuckled habang diretso pa rin ang tingin niya sa daan. "You're wrong. Sobrang nalungkot din kami nung nabalitaan namin ang nangyari sakanila. Pero, Min, Lee and I managed not feel depress because we still believe that they are alive. Kahit ilang beses pang sabihin ng mga naghahanap na maliit nalang ang chance na buhay pa sila ay di pa rin kami titigil na maniwalang buhay pa sila. Tsaka, wala pa naman silang ipinapakitang bangkay satin e."

"Zac is right. Besides, hindi pa rin naman kami sumusuko sa paghahanap." dagdag pa ni El.

I suddenly felt bad because of what I heard. Hindi sila sumusuko sa paghahanap samantalang ako ay wala ng ginawa kundi ang umiyak at magkulong sa kwarto ko.

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon