Ara's POV
"Hoy! Teka lang! saan ba tayo pupunta ha?!" sigaw ko kay Ian. Tinuturuan ko pa kasi siya ng bigla niya akong hilain palabas ng bahay nila.
Inutusan nanaman kasi ako ni Mrs. Enriquez na maging private tutor ng lalaking to!
Jusko! sa classroom pa nga lang halos atakihin nako ng dahil sakanya.
Nasa kalagitnaan ba naman kami ng klase pero siya nakikipaghalikan!
"Sa mall. May bibilhin lang tayo." sabi niya at pinapasok nako sa loob ng kotse niya.
Binubuksan ko na yung pinto dun sa may backseat kaya lang tinignan niya ako ng masama kaya wala nakong nagawa kundi dun sa tabi ng driver's seat umupo.=__=
Pagkasakay ko naman bigla siyang lumapit saken. Waah! Anong gagawin niya?!
Napapikit naman ako nung feeling ko malapit na niya akong yakapin.
Napamulat nalang ako ng may marinig akong parang may marinig akong nag 'click'
Yung seatbelt pala nilagay lang niya! Okay, masyado akong assuming! Kala ko ire'rape niya ako.>_<
Kunot-noong napatingin naman siya saken.
"What were you thinking all about?" tanong niya tapos in'start na yung kotse. Eh? obvious ba ako masyado?
Infairness nung lumapit siya saken ang bango niya!^_^v
"None of your business!" sagot ko. He just made at 'tss' sound tapos nagdrive nalang.
May nakita naman akong chocolate bar dun sa may board ng kotse niya kaya kinuha ko.
Di nako nagpaalam at kinain nalang yun. Gutom ako eh.>_<
Nakarating kami sa mall in less than 20 minutes...malapit lang naman kase.
Bigla nanaman niya akong hinila papasok dun sa isang botique.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong ko. Bakit kasi kailangan pa niyang magpasama?
"Bibili ng damit, ano pa ba?" sagot niya. Oo nga naman! Store to ng mga damit kaya malamang damit bibilhin niya! Shunga talaga ako pag minsan.>_<
Napatingin naman ako sa kamay ko...hawak pa rin pala kasi niya hanggang ngayon!>//<
"diyan ka lang, magsusukat lang ako." sabi niya tapos pumasok na dun sa may fitting room.
May lumapit namang saleslady saken tapos nginitian ako.
"Ang gwapo naman po ng boyfriend niyo ma'am! bagay kayo!" sabi niya. Luh?! sinong boyfriend ko??
"H-Hindi ko sy----"
"Is it okay?" naputol ang sinasabi ko nang lumabas mula sa fitting room si Ian...He's wearing a plain white long sleeve shirt pero...Shit! ang gwapo niya!
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya.
"O-Okay lang." nauutal na sagot ko. Nakita ko naman kumunot ang noo niya.
"Parang ayaw mo." sabi niya tapos pumasok ulit dun sa fitting room. Teka nga? bakit ba kasi ako yung tinatanong niya.
After a minute lumabas ulit siya, "How about this?"
Black leather jacket naman ang suot niya ngayon...ang hot tuloy niya tignan.*Q*
"Pwedi na." sagot ko lang. Ayokong ipahalata na nagwa'gwapuhan ako sakanya.
Pero sa totoo lang kahit ano namang isuot niya bagay sakanya.>_<
Pagkatapos ng matagal na pamimile, binili rin pala niya lahat.=__=
BINABASA MO ANG
Battle for Love
Genel KurguHow far can you go in the BATTLE called LOVE? Who will lose? Who will win? Will you fight? or Will you run? The decision is yours...