Chapter twelve
Dianne's POV
Since last day na namin ngayon sa Seoul at nagmumok-mok yung dalawang kasama ko kase daw di naman nila nagawa yung pinunta talaga nila dito ay nagyaya nalang akong mamasyal.
"You know what? libre lang ngumiti." I sarcastically said. Tinaasan naman nila ako ng kilay at kulang nalang ibaon nila ako sa lupa.=_=
"Tse! ikaw kase masaya ka kase bati nakayo ni Jake kaya ganyan ka!" sagot ni Kath at inirapan ako.
Oh well. Di ko naman sila masisi kase masyado talaga silang umasa na makakapunta sa fan signing event ng EXO kaya lang nagka-emergency kase pinasukan ng magnanakaw yung bahay ni kuya kaya di sila nakaalis.
"I know disappointed kayo, pero can't you just smile and enjoy our last day here? For all we know balik trabaho nanaman tayo pag-uwi sa pilipinas!" sabi ko but they just sighed out of exasperation.
"Sa bagay may point ka." sagot ni Kath and tried to smile.
One thing that Kath is good at is to hide all her problems by smiling. She barely open up with us kaya mahirap hulaan kung ano ang iniisip niya considering that we've been friends for almost 7 years now.
"K. Fine panalo na kayo." sabi naman ni Ara at tumayo. Nasa living room kasi kami ngayon.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Magbibihis. Akala ko ba mamasyal tayo?" she crossed arms at tinaasan pako ng kilay.=_=
Sabi ko nga di nako magtatanong.>.>
"Ako din magbibihis na." tumayo na rin si Kath at umakyat sa taas.
Kanina pako nakabihis kaya naiwan nalang akong mag-isa sa sala. Si Kuya Min busy sa hospital, may cholera alert daw dun. Si Jake naman nauna ng umuwi sa pilipinas, pumunta lang naman daw kasi siya dito to check on me.
Kinuha ko nalang muna yung magazine sa may table habang naghihintay.
Puro lang naman Kpop ang naka feature dito. Wala naman akong hilig sa mga to di tulad nila Kath at Ara.
Napatingin naman ako sa isang page.
Kevin Lee Haisuzawa, business tycoon. Familiar ang mukha niya, I think nakita kuna siya kung saan.
Pero pano ko naman makikita ang isang business tycoon na tulad niya sa kung saan lang diba?
Napapunas naman ako sa mata ko kase napuwing ako. Kung magsalamin kaya ako mapupuwing pa ako?
I froze nung makita ko yung panyong gamit ko. Oh my God! Yung panyo! Yung nagbigay ng panyo saken! Siya si Kevin Lee Haysuzawa! Sabi ko na nga ba kilala ko to e!
It says here that he is a young billionaire and owns several properties.
Kung ganon nga? Anong ginagawa niya sa Park? =__=
"Hey! Tulala ka diyan!" I flinch nung marinig ko si Ara. Tapos na pala siyang magbihis.
"Look at him." turo ko kay Lee sa magazine.
She looked at the page and stared at it, "Ang gwapo." she murmurred.=__=
"iih! di yan ang ibig kong sabihin!" I huffed. Alam ko gwapo siya lalo na sa personal pero di yun ang sasabihin ko!
She shot her brows up, "Then what?"
"Nakita ko siya sa park nung isang araw. Siya nga nagbigay ng panyong to e." sabi ko but she just stared at me blankly. Di siya naniniwala.
BINABASA MO ANG
Battle for Love
General FictionHow far can you go in the BATTLE called LOVE? Who will lose? Who will win? Will you fight? or Will you run? The decision is yours...