Chapter ten

200 3 0
                                    

Chapter ten

Ara's POV

Hindi namin namalayan na wala na pala sa tabi namin si kath. Kanina pa nga namin siya hinahanap e. Inikot na namin yung lugar kung saan siya posibleng naiwan kanina pero wala siya.

"Ah! Nasan na ba siya? It's your fault, di mo kasi siya tinitignan!" paninisi ko kay Min habang niyuyogyog ko siya. Wala naman akong reaction na makita sa mukha niya.=__=

"She called a while ago. Kasama daw niya yung kaibigan niya. Don't worry too much." sabi naman niya tapos hinila niya ako patayo, "Common' let's just enjoy."

He then give me a sweet smile kaya tumango nalang ako. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta sumama pa rin ako. Ganun ba talaga kalaki ang tiwala ko sakanya×?

Napatingin naman ako sa wrist ko kase hanggang ngayon hawak pa rin niya.>////<

Bigla naman kaming huminto sa may park yata to?

"Gusto mong cotton candy?" tanong niya.=_= Anong tingin niya saken bata? elementary student?

"Nope. I'm not really into sweets." walang ganang sagot ko. Feeling ko kase masisira ngipin ko pag kumain ako ng matamis.

"Okay. Ice cream? gusto mo?" tanong ulit niya. iih! ayoko ko nga ng matamis e. Ang kulit naman!

May nakita naman akong nagtitinda ng rice cakes sa may tabe kaya hinila-hila ko yung polo ni Min. Sa ibang direction kasi siya nakatingin.

He gave me a 'what do you want' look kaya naman tinuro ko sa kanya yung nagtitinda ng rice cakes.

"I want to taste that." sabi ko kaya napatingin siya sa tinuturo ko.

"Ayoko nun.=__=" sagot naman niya.

"Hindi naman ikaw ang kakain e!" sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Sabi ko gusto ko nun! di ko naman sinabing gusto niya nun!

"Gusto mo pala edi bumili ka!" ay peste! kanina tinatanong niya ko kung anong gusto ko tapos ngayong sinabi ko ganun isasagot niya? Huh! konti nalang mahahampas ko na siya ng sapatos ko.

"Argh! Are you serious? Pano ko kakausapin yung nagtitinda? tingin mo magkakaintindihan kame?" sigaw ko sakanya. Lumalabas nanaman pagiging masungit ko.>__<

He just shrug, "Then get an interpreter." sagot pa niya.

Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng tao, kanina ko pa to nailibing ng buhay! Letse!

"Tse! Ewan ko sayo!" inis na sigaw ko at akmang mag wa'walk out na ng biglang kong maalala na di ko alam ang pabalik sa tinutuluyan namen.

Pero bahala na! naiinis talaga ako sakanya! Bahala siya sa buhay niya!

Naglakad nako ng mabilis palayo sakanya. I heard him calling me pero di ko siya nililingon. Hindi ko siya kakausapin! Manigas siya!

Naramdaman ko pa rin yung pagsunod niya saken kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Hindi ko namalayan na may bato pala sa harap ko kaya nadapa ako.

"Ah!" napatingin ako sa tuhod ko and it's bleeding! Shit! Bakit ba kasi ang clumsy ko?

I saw Min running towards me. Kitang-kita sa mukha niya ang pag aalala.

"Ah Shit! Bakit kasi hindi ka nag-iingat?!" he hissed pagkalapit niya saken. Great! siya pa may ganang magalit?!

Tinignan naman niya ang tuhod ko and get a handkerchief para punasan yung dugo. Nanginginig nako. I really hate seeing blood!

Bigla naman siyang tumalikod saken. Still kneeling down.

"Sumakay kana." he said habang nakaluhod pa rin. Bubuhatin niya ako? Nakakahiya.

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon