Chapter seventeen

152 1 1
                                    

Chapter seventeen

Ara's POV

Aish! Letse tong si Shella! Ano naman kayang pumasok sa isip niya at ganitong arrangement ang ginawa niya!

Bumukas ang pinto ng banyo at niluwa nun ang hubad na si Ian! kalahati lang naman kase may twalya siya sa baba.@.@

"M-Magbihis ka nga!" sigaw ko. Bagong ligo kasi siya...pero kahit na! dapat nagbihis na siya sa loob!

"Tss. Kukunin ko lang yung damit ko!" he hissed. "Baka masyado ka pang mag-enjoy sa kakatitig sa katawan ko."

Naningkit naman ang mata ko dahil doon, "ASA!" inirapan ko siya...ang kapal kasi ng mukha! Di ko naman tinitignan yung abs niya! Pramis!

Pumasok na siya sa loob at sinarado yung pinto. Naglagay na lang ako ng konting sunblock kase nagyayang mag-swimming sina Kath.

Lumabas nako ng room namen at dumiretso na sa may tabi ng dagat. Nakita ko na rin sina Kath sa may kubo malapit dun kaya pinuntahan ko na sila.

"Nandyan kana pala." Kath said. "Nasaan na si Ian?" tanong pa niya habang nagbabalat ng mangga.

"Nagbibihis pa." sagot ko at umupo sa may tabi ni El. Napapatingin naman ako kay Min tapos ako din yung mag-iiwas ng tingin kapag nahuhuli niya ko. Napansin ko lang, hindi pa pala kami nakakapag-usap mula ng umuwi siya dito.

"Ah okay." sagot ni Kath. "Hey!" sigaw niya sabay palo sa kamay ni Lee. Sinubukan kasi ni Lee na kumuha sa hiniwang mangga ni Kath.

"Here." gulat na napatingin ako kay Min nang bigla niya akong abutan ng barbeque. Hindi ko inexpect na kakausapin niya ko. Feeling ko kasi kanina ay iniiwasan niya ko kahit hindi ko naman alam kung bakit.

"T-Thanks." nahihiyang sabi ko at kinuha yung inabot niyang barbeque. Kumagat nalang ako dun since hindi na ulit siya nagsalita. Ang awkward na nga eh!

"How are you?" basag niya sa katahimikan namen. Na'feel na rin siguro niya yung awkwardness namen.

"I'm fine." sagot ko lang. And again...wala na namang kumibo samen. Kailan ba kami naging ganito?

"Ahm." sabay na sabi namen kaya natawa nalang kaming pareho.

"You know what? I thought, matatagalan pa bago kita ulit makita." sabi ulit niya kaya napatingin ako sa mata niya. "I miss you." nakangiting sabi ulit niya saken.

Somehow I felt guilt nung sabihin niya yun. Did I ever think of him mula nung umuwi kame? O masyado akong naging busy sa pakikipag-away kay Ian?

I heard him chuckled nung hindi ako nakasagot, "I hate to think of this pero...You're starting to get distant in me, aren't you?"

"N-No! It's not like that!" pagtangi ko pero hindi nga ba?

"I'm glad to hear that." sagot niya saken at ngumiti. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. He even intertwined our fingers.>///<

"O Ian! buti nalang dumating kana!" narinig kong sigaw ni Kath. Napansin ko naman na ang sama ng tingin niya...I flinch nung makita ko ang tinitignan niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero I immediately pulled my hand mula sa pagkakahawak ni Min. Ano ba tong nangyayari saken?

"Kain na tayo!" yaya samin ni Yhan at pinapunta nakame sa ginawa nilang mesa. Ang dami nilang hinandang pagkain!

Kumuha nako ng kakainin ko. Hindi ko alam kung anong kukunin ko kase halos gusto ko lahat! *Q*

"Hey." bati ko kay Ian nung makatabi ko siya sa pagkuha ng pagkain. Hindi naman niya ako pinansin at umupo na sa tabi ni Kath.

Bakit hindi nanaman niya ako pinapansin? Kanina lang ang kulit-kulit pa niya! Naalala ko nanaman tuloy yung ginawa niya kanina sa airport!

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon