Ara's POV
Kanina pa ako naiirita sa kakaikot-ikot ni Kuya Zac sa sala ng bahay ni Min. Di pa rin kasi bumabalik si El mula nung magwalk-out siya kanina.
"Kuya! Matanda na si El at sigurado ako na alam na niya ang ginagawa niya! Babalik din yun!" I hissed dahil sa iritang-irata na talaga ako.
"I know kaya na niya ang sarili niya but, don't also forget that this is Korea at hindi Pilipinas. Baka naligaw na yun."
Yun lang. Dapat ba akong makonsensya kase ako ang nagyayang umuwe? Well, It didn't came in my mind na pwedi nga pala siyang maligaw kaya nagawa kong magsuggest na umuwi na. Pumayag naman sila kaya wala nakong kasalanan dun. -.-
"Don't stress yourself too much, Kuya. May utak ang girlfriend mo kaya makakauwi din yun dito." I said as I stood up.
Pumunta nalang din ako sa kusina para tulungan si Min at Lee sa ginagawa nila. They are preparing for our lunch at nakakahiya naman daw kung maghihintay lang ako. Actually, ako dapat ang gumagawa nun kaya lang wala talaga akong talent pagdating sa pagluluto. I can cook, but not that tasty. Minsan pa nga ay di man mukhang edible ang nagagawa ko e.
Nadatnan ko si Lee na naghihiwa ng mga gulay at si Min naman ay busyng-busy sa niluluto niya. Lee smiled at me and I eyed him 'Why-is-Min-so-busy?'. He shrugged and we both laugh softly.
Nilapitan ko naman si Min at kinalibit ang braso niya. "Hey." he said and smiled. Ngayon pa lang talaga niya napansin ang presence ko. I therefore conclude na mas mahal ni Min ang pagluluto kaysa saken.
"Can I help?" I asked and his brows furrowed.
"No." he replied and I frowned. Napansin naman niya ang pagsimangot ko and he suddenly pinched my nose! "Min! Masakit!"
Hindi pa rin niya binitawan kaya naman I tried my best para abutin ang ilong niya at gumanti. "Hey! Let go of my nose." he said pero mas lalo ko lang diniinan ang pagkakahawak.
"No. Let go first!" I utter pero di rin siya bumitaw. Ay peste! Baka maging kamukha kuna si rudolf pagkatapos nito! "Min! Ayokong maging kamukha si Rudolf!"
He laughed because of that and he finally let go of my nose and so I did. Nagulat naman ako when he leaned forward at hinalikan ako sa ilong. "Don't worry, kahit sino pa ang maging kamukha mo...mahal pa din kita." he said and winked.
Hinampas ko naman siya sa braso dahil doon. "Bolero ka talaga!" I said and rolled eyes.
"Hey, the two of you! Bumili na nga lang kayo ng maiinom natin mamaya kesa magharutan kayo dyan!"
We both laughed as we faced Lee. Napaghahalataan ang mga bitter e. "Okay po." I said laughing.
"Ikaw na munang bahala dyan." sabi naman ni Min kay Lee before we headed out of the kitchen.
Palabas palang din sana kami ng bahay ng bigla namang may nagdoorbell. Si Kuya Zac na rin ang tumayo since siya naman ang may hinihintay.
"Baka si El na yan." I said and Min just shrug. Wala naman din kasi kaming ibang bisitang ine'expect kaya si El lang talaga ang naisip kong magdo'doorbell unless nagpadeliver ng kung ano si Kuya. -.-
We froze the moment Kuya Zac opened the door and saw who came. Para rin ang nanlamig na ewan.
"O my Gosh! Z-Zeb?!" I asked at kinusot-kusot pa ang mata ko to confirm na hindi lang ako namamalik-mata.
"Hi, Ara." he said and smiled at dahil sa sobrang excitement ay napatakbo ako palapit sakanya. My Gosh! It's been 6 years mula nung huli ko siyang makita. And guess what? Mas lalo pa siyang gumwapo!
BINABASA MO ANG
Battle for Love
General FictionHow far can you go in the BATTLE called LOVE? Who will lose? Who will win? Will you fight? or Will you run? The decision is yours...