Chapter thirty two

103 1 0
                                    

Chapter thirty two

Ara's POV

Kasalukuyan akong nagda'drive papunta sa St. Dominic Hospital. Isang lingo na ang nakalipas mula nung makarating sa amin ang balita ang pagbagsak ng isang eroplano. At sakay ng eroplanong 'yun ang mga kaibigan ko.

Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol sakanila. Dahil din sa yata sa sobrang pag-aalala kaya inatake sa puso si Tito Don. Pupunta din ako sa hospital ngayon para dalawin siya. He's in coma at hindi pa rin siya nagigising.

Kahit ako ay nahihirapang matulog sa gabi. Sa tuwing susubukan ko kasing matulog ay parang nakikita ko ang mukha ng mga kaibigan ko at para bang nagpapaalam na sila saken. I can't accept the thought that there is a possibility na hindi na namin sila makita ulit. That's just too much.

Hindi ko maintindihan kung bakit kapag dumating ang problema ay magsusunod-sunod naman ito. Di ba talaga pweding isa-isa lang? Masyado na kasing mahirap para sa amin ang tanggapin nalang ang mga pangyayari.

Pagkarating ko sa hospital ay kaagad nakong nagpark at pagkatapos ay pumasok na sa loob. Kaagad ko ring hinanap ang ICU.

Nakita ko naman kaagad si Tita Mei na nakaupo sa may bench sa labas ng ICU kasama yung Mom ni Kath.

"Tita? How is he?" I asked.

"No recovery at all." sagot ni Tita Mei kaya napayuko nalang ako.

Umupo din muna ako sa tabi nila at wala ni isa sa amin ang nagsalita pa pagkatapos nun.

Bakas sa mukha naming lahat ang lungkot at pag-aalala. Siguro nga kung nasasaktan ako ngayon ay mas doble ang nararamdaman ng pamilya ng mga nasangkot sa aksidente. Pero, I can't help myself not to feel the pain. Tatlo sa mga kaibigan ko ang nawawala pa rin hanggang ngayon. Kakayanin ko ba talaga kung sakaling tuluyan na nga silang mawala?

I can't just sit here na wala man lang ginagawa para makibalita kung ano na bang nangyayari sa paghahanap sakanila. Alam ko sinabihan ako ni Min na siya nalang ang bahalang makibalita pero hindi ko talaga kayang maghintay nalang!

Tumayo ako at maglalakad na sana paalis ng hospital ng tawagin ulit ako ni Tita Mei.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

Nilingon ko naman siya and gave her a weak smile,"Aalamin ko lang po kung ano ng nangyayari sa search and rescue operation na ginagawa ng mga autoridad."

Nagulat naman ako ng bigla din siyang tumayo at hinawakan ako sa kamay. "Then I'll go with you." sabi pa nito at hinila nako palabas ng hospital.

Nakakahiya nga kay Tita Lea kase bigla nalang kaming umalis ng hindi nagpapaalam. But I'm sure she'll understand. Kasama din naman ang anak niya sa mga biktima kaya sigurado ako na gusto rin niyang malaman kung may progress na ba ang ginagawang paghahanap sakanila.

Mabuti nalang at sa malapit ko lang pinark ang sasakyan ko kaya kaagad rin kaming nakasakay.

I also started the engine at sinimulan ng magmaneho. Wala rin namang traffic kaya kaagad kaming nakarating sa pupuntahan namen.

Katulad nung huling punta namin dito ay marami pa ring mga kapamilya ng mga biktima ang naghihintay ng balita. Marahil ilan sakanila ngayon ay sa morgue na ang punta. Lumabas na kasi sa balita kanina ang mga pangalan ng mga paseherong natagpuan na ang bangkay.

Wala pa naman sa mga pangalang 'yun sina Kath, Yhan at Ian. But...I still don't think that we can consider ourself lucky. Paano nalang pala kung umaasa nalang kami sa wala? At this very moment we still have to hold on even in just a very little hope. Kahit gaano pa kaliit ang chance na buhay pa sina Ian ay sigurado ako na kakapit pa rin kami sa katiting na pag-asang 'yun. Wala naman kaming ibang panghahawakan pa kundi 'yun nalang e.

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon