Kathleen's POV
Kakauwi lang namin ni Kuya Zeb kanina dito sa Pilipinas at bago pa kami umuwi sa bahay ay sa hospital na ang diretso namin. Gustong-gusto ko na kasing makita si Dad at humingi ng sorry. Kahit wala namang naninisi sakin ay alam ko sa sarili ko na dahil saken kaya siya comatose ngayon.
"We're here." I heard kuya said at inihinto na ang sasakyan. Nagpark din muna siya at pagkatapos ay pinagbuksan na niya ako ng pinto. Kumunot din ang noo niya ng makita niyang nakasimangot ako. "O bakit ganyan itsura mo?"
"Kuya? Baka galit sakin si Mommy." I said as I bit my lower lip. Wala pa man akong ginagawang masama ay galit na sakin si mommy, pano pa ngayong may contribution nako sa pagkakalagay ni Dad sa ganitong sitwasyon?
I looked up when I felt kuya's hand on my face. "Hindi yun galit. Wala ka namang kasalanan kaya bakit siya magagalit? Isa pa, kung may balak siyang manampal ay sakin na niya gagawin 'yun." he said and grinned.
Nahampas ko naman siya sa dibdib at ngumiti nalang din. "Sira ka talaga. Kung ganun pala kailangan na nating ihanda ang pisngi naten." I said and we both laugh.
Pumasok na rin kami sa loob at dumiretso na sa ICU. Nadatnan naming nakaupo sa labas nun si Karla at Lance kaya lumapit na rin kami sakanila.
"Karla, Lance." I called. Pareho namang nanlaki ang mata nila pagkakita samen. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ni Karla saming dalawa ni Kuya Zeb.
"K-Kath? Kuya Zeb?" Karla asked in disbelief. Tumango naman kami ni kuya Zac at pareho kaming nagpipigil na ng tawa sa reaksyon ng dalawa. "B-buhay ka?"
I nodded again. Tumakbo naman siya palapit samin at yumakap kay Kuya Zeb. Alam mo yung feeling na ako 'tong inakala nilang patay pero si kuya Zeb ang una nilang niyayakap? Ang unfair diba! Porket babae ako tapos si kuya Zeb gwapo, siya na lagi ang unang papansinin? Asan ang katarungan dun?!
"I'm glad you're back." sabi pa niya kay kuya Zeb bago tumingin saken. "It's good that you're alive."
I arch a brow on her and crossed arms. "Hindi ko alam kung may galit kapa saken o ano?" I kidded and she laughed.
"Asus! Nagtampo pa!" she said at ako naman ang niyakap. "I miss you too, sis."
I chuckled, "I miss you ka dyan, wala lang magbabantay kay baby Aki e." I kidded again and we all laughed.
Napatigil naman kame ng marinig naming bumukas ang pinto ng ICU at lumabas mula doon si Mommy. She looked at us at para akong natuyuan ng lalamunan. Umurong din yata ang dila ko at hindi ko magawang magsalita.
Hindi ko rin namalayan na nilapitan na pala siya ni Kuya. Kuya didn't also able to speak when Mom slap him hard. Natulala nalang kami nina Karla after what mom did.
"Mabuti at alam mo pa pala ang daan pabalik sa pamilya mo." Mom said and turned to look at me. I gulped and I feel like I'm glued from where I'm standing.
Naglakad din siya palapit saken and I wanted to run but I can't move. She's sharply looking at me and when she came near me, all I manage to do is close my eyes and anticipate her slap. I waited for several seconds and opened my eyes when she didn't.
"You're alive." she said and I was confused when I saw that she was about to cry. My eyes also widened when she hug me tight. "I thought I lost you too. I'm happy that you survived."
At this very moment ay di ko alam ang ire'react ko. Gusto kong maiyak pero at the same time gusto ko ding tumawa pero tulala lang talaga ako. After a minute or more ay humiwalay din siya. Nakatingin lang ako sakanya habang naghihintay ng sunod niyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Battle for Love
General FictionHow far can you go in the BATTLE called LOVE? Who will lose? Who will win? Will you fight? or Will you run? The decision is yours...