Chapter Thirty Eight

99 1 0
                                    

Ara's POV

"C.R lang ako." paalam ni Lauren pagkatapos niyang kumain. I just nod at her.

Napansin ko naman na pasimple siyang sinundan ng tingin ni Min. I really feel something is going on between them. Alam kong ipinakilala siya ni Min kanina as his personal maid but I just find that absurd. Wala sa itsura ni Lauren ang pagiging katulong. And swear, kapag nalaman kong nagsinungaling na naman si Min sa pagpapakilala kung sino talaga si Lauren ay makakatikim siya saken! I never knew Min treating any other girl like the way he treats Lauren. Masyado siyang hard pagdating kay Lauren which is unusual to him.

"Sundan mo siya." I said without looking at Min. Ramdam kong napatingin siya saken and I bet, nakakunot na rin ang noo niya. "Follow her Min. Siguro naman ay alam mo na, na nasa huli ang pagsisi. Kaya if I were you, sundan mo na."

"What are you talking about, Ara?" he asked and I can sense tension on his voice. Mas lalo lang akong naghihinala dahil sa mga ikinikilos niya. I've known Min for a long time at alam na alam kuna kung kailan siya may tinatago.

I faced him and gave him a smile. "Wala naman. Basta sundan mo na siya. Gusto ko lang masolo si Ian." I kidded.

He chuckled and even shook his head in disbelief. Alam ko nakatingin samin si Ian kay medyo naiilang din ako. Mabuti nalang at sinunod ako ni Min at tumayo na rin siya.

Pagkaalis ni Min ay napadiretso ako ng tingin and I blushed when I saw Ian intently looking at me.

Bigla din akong nakaramdam ng hiya ng marealize ko na narinig niya lahat ng sinabi ko kay Min. My goodness! I've just pushed Min to follow her girlfriend and I just broadcasted infront of him na gusto ko siyang masolo!

"M-May dumi ba ako sa mukha?" I asked and I hate the fact that I'm stuttering!

"Wala naman." he said without removing his gaze at me. "How are you?"

Para naman akong baliw dahil gusto kong magtatalon dahil lang sa tanong niyang 'yun. Ang masama pa ay parang ako lang ang affected saming dalawa!

"I-I'm fine. B-Bakit naman magiging hindi diba?" I replied and fake a laugh. Mukha akong tanga, alam ko.

"That's good." he said emotionlessly and I felt something heavy on my chest. 'Peste ka! Kung alam mo lang kung ilang balde ng luha ang inilabas ko nung inakala kong patay ka na! Napaka-dense mo talaga!' I mentally hissed.

Para ring any moment ay tutulo na ang luha ko. "K-kayo ni Lauren? Are you happy with her?" Sige pa, Ara! Saktan mo pa sarili mo!

"Of course. Lauren makes me happy."

Boom. Ang sakit. Para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib. Hayan kase! Magtatanong ka tapos kapag sinagot ka masasaktan ka na man!

Hindi nalang ako nagsalita pa ulit kase kapag sinubukan ko pa ay baka maiyak nako ng tuluyan. Tama na. Nasaktan nako at ayoko ng mapahiya pa. Ayokong isipin niya na ganun siya kaimportante saken to the point na parang hindi ko kakayanin kung mawawala siya ulit kahit yun pa ang totoo.

"Hey, Are you okay?"

Napakurap ako ng marinig ko si Min. Nakabalik na pala sila. I smiled at him while trying to dismiss all the pain I'm feeling. "Oo, okay lang ako. Naalala ko lang si Lee. Baka umuusok na ilong nun kase di pa natin nabibili yung ipinapabili niya." I said hoping that he would buy it.

Napakamot naman siya sa batok niya and eventually smiled. "Oo nga pala." he said and I sighed.

Humarap din siya sa mga kasama namen, "Kailangan na naming umuwi." he said at inalalayan akong tumayo.

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon