Chapter sixteen

149 2 0
                                    

Chapter sixteen

Kathleen's POV

"Aish! ikaw nalang magsabe!" sabay tulak sakin ni Ara papasok nung administrator's office.>_<

Buti nalang nakahawak ako sa may ding-ding kaya hindi niya ako tuluyang natulak sa loob.

"Eh? ikaw nalang! close kayo nun diba?" this time ako naman yung tumulak-tulak sakanya.

Tumawag kasi si kuya Min kanina. Nakauwi na daw siya ng Pilipinas at nagrequest daw si Yhan na mag bakasyon muna kame dun sa resort house nung kaibigan niya sa Davao...kaya heto kami ngayon, nagtutulakan kung sino saming dalawa ang magpapaalam kay Mrs. Enriquez for a leave. One week lang naman eh.

"Nagpapatawa ka ba? Ang init kaya ng dugo nun saken!" sigaw niya tsaka ako tinaasan ng kilay.>_< Ayoko naman kasing ako yung pumasok dun...nakakatakot kaya yung si Tita Mei, di katulad ni Tito Gary. Buti nga nandito siya ngayon e, ang pagkakaalam ko kase every 3 months nalang siyang umuwi dito sa Pilipinas kaya yung kapatid nalang niya nag aasikaso nitong school.

"Papasok ba kayo?" tanong ni Ian at pupuntahan yata yung Mom niya.

Oh? Why not ask him a favor right? Minsan lang naman. Papayag naman siguro siya diba?

"Waah! Ian! We need your help!" sigaw ko pero nagtakip lang siya ng tenga! Letse talaga to!

"Please~" pagmamakaawa ko with matching puppy eyes pa. Malay niyo naman effective diba?

"Can't you do us a favor?" sabi naman ni Ara.

I saw Ian grinned, "What is it?"

So ganun?! Kaninang ako yung nakikiusap ayaw niya? tapos si Ara isang salita lang okay na? That's unfair!

Inexplain ni Ara sakanya yung balak namen at pumayag naman siya...kaya lang may kapalit! dapat daw kasama siya.=__= Pumayag nalang din kame para matapos na at makaalis nakami kaagad.

Nagtext kasi ulit si kuya Min at sabi niya mamaya na daw ang alis namen. Hindi sila mahilig sa rush.=__=

Anyway kasama din daw si El. Tinawagan ko na din si Shella para isama siya. Nakauwi na din kasi siya sa Pilipinas. She also requested na isama ko si Lei...pero bakit naman kaya?=__=

Umuwi na muna kami para kumuha ng mga gamit namen. Nadatnan ko na din si kuya Min sa bahay kaya sabay nalang daw kaming pumunta sa hospital para sunduin si Yhan doon. Sa Airport na kasi namin napag-usapang magkikita-kita.

"Ready ka na?" tanong ni kuya Min saken pagkalabas ko sa kwarto. Tumango naman ako kaya kinuha na niya yung susi ng kotse para makaalis nakame.

Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa hospital. Nagbayad lang muna ng bill si kuya Min kaya naiwan muna kami ni Yhan dito sa room niya.

"So? Ano naman naisipan mo at nagrush ka ng vacation?" tanong ko. Kasi naman siya lang talaga gumawa ng rush vacation thingy na to! Nadadamay trabaho namen eh...pero okay na rin to, sa tingin ko kailangan ko din naman munang lumayo. O? Ano namang drama ko ngayon?=__=

"Wala lang I just...want to stay away." sagot niya at yumuko.

"From Jake?" sabi ko naman and I heard her sniff. Jusme! iiyak na naman siya? Hindi pa ba siya pagod?

"Tama na nga yan!" sabi ko tsaka siya binatukan kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit mo ginawa yun?!" inis na tanong niya habang hinihimas yung batok niya.

I shrug, "Baka sakaling matauhan ka."

Inirapan naman niya ako and get her phone in her pocket.

"Nagtext si Shella...okay na daw ang lahat." sabi naman niya kay tumingin ako sakanya ng nagtataka.

Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon