2

21 2 0
                                    

Binuksan ko na agad ang pinto ng aming bahay pagkababa ko sa sasakyan. Napansin kong wala ang mga magulang ko.

And reality hits me. Hiwalay na ang parents ko. Umalis ng bansa ang mama ko. At ang papa ko naman ay nowhere to be found.

And the sad part is, kailan lang nung nangyari to. One year ago, I think. Sariwang-sariwa pa kung paano ko nasaksihan ang pag-aaway nila na humantong sa hiwalayan.

I remember it all too well.

~~~

Kauuwi ko lang galing school hawak hawak ang aking report card. Binuksan ko ang aming pinto na punong-puno ng excitement at saya.

Paniguradong matutuwa sila Mama at Papa kapag nalaman nilang ako ang top 1 sa klase namin.

Pagbukas ko ng pinto ay siyang pagbagsak ng flower vase sa harapan ko. At dun ko nakita ang mga magulang ko na nag-aaway.

"Aalis na ako sa bahay na to! Ayoko ng makasama ka!" Sigaw ng Mama ko sa Papa ko.

Akmang sasaktan ng Papa ko ang Mama ko kaya dali dali akong tumakbo upang pigilan si Papa.

"Pa... huwag." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Biglang binaba ni Papa ang kaniyang kamay at niyakap ako. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-agos ng kaniyang walang katapusang luha.

"Vielle.. Hayaan mo muna kami ng Mama mo. Pag-uusapan namin to. Pumunta ka muna sa kwarto mo."

Ayoko sanang sumunod pero nakita ko ang pagmamakaawa sa mata ng Papa ko. Pumunta akong kwarto at humiga sa kama.

Pero bigla bigla akong nakarinig ng mga nababasag na bagay. Mga sigaw. Mga iyak.

Hinay-hinay kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. At sinilip ang sala namin kung saan nandun ang Mama at Papa ko.

Nakita ko ang nakaluhod kong Papa na nagmamakaawa sa Mama ko na huwag umalis.

"Huwag ka ng umalis. Ako nalang ang aalis. Huwag mo lang iwan si Vielle. Napakabata niya pa para mawalan ng ina." Pakiusap ng Papa ko habang nakaluhod ito.

"Ayoko na dito! Ayoko na sa'yo. Ayoko na kay Vielle. Ayoko na sa inyo! Mga pabigat lang kayo sa akin. Kung hindi dahil kay Vielle, sana naabot ko pa ang mga pangarap ko. At ikaw! Wala kang kwenta. Ni hindi ka nga makapagtrabaho!"

Patuloy ang pagpatak ng luha ko. Isa lamang akong pabigat sa Mama ko. Isa lang akong malaking pagkakamali.

Dahil sa kanyang murang edad, isinilang niya ako. Pero di niya pinadama sa aking isa akong pagkakamali. Pero bakit ngayon?

Wala na akong nadama kundi ang galit sa Mama ko.

Mabilis akong naglakad patungo sa kanila. Itinayo ko ang Papa ko at hinarap si Mama.

"Sige Ma. Iwan mo na kami. At sa oras na iwan mo kami, huwag na huwag mo ng babalaking bumalik pa. Dahil wala ka ng babalikan!"

At bigla siyang tumawa.

"Talagang di ko na kayo babalikan. Mga walang kwenta!"

At tuluyan na siyang umalis. Niyakap ko ang Papa ko na patuloy parin sa pag-iyak. At dun ko napagtanto na di kami mahal ni Mama. Kailanman ay di niya kami minahal.

Sinundan ko ang pintuan kung saan siya lumabas. At di na siya bumalik pa.

~~
Napapunas ako ng luha ko dahil sa isang mapait na ala-ala. At dahil dun, umalis si Papa. Umalis siya upang magtrabaho at para maipakita na may kwenta siya. Na kaya niya akong buhayin. Na kaya niyang tustusan ang lahat ng pangangailangan ko.

Pero di niya sinabi sa akin kung saan siya magtatrabaho. Kung anong trabaho niya. Basta buwan-buwan niya akong pinapadalhan ng pera at kinukumusta.

Napabuntong hininga ako habang tumungo sa kusina at nagluto ng makakain ko. Nilibot ko ang aking paningin sa aming bahay.

Dun ko napagtanto na bawat sulok nito ay binabalot ng kalungkutan.

This place was once a happy home. Naaalala ko pa ang mga meryendang inihahanda ng aking Mama sa tuwing uuwi ako galing sa eskwelahan.

Naaalala ko pa kung paano kami maglaro ng chess ng Papa ko at ang pagtuturo niya sa akin ng mga iba't ibang tricks.

Naaalala ko pa kung paano kami manood ng aming paboritong teleserye sa gabi.

Naaalala ko pa lahat ng masasayang ala-ala na tuluyan ng nilamon ng masasakit na ala-ala.

Natuto na akong mamuhay ng mag-isa. Kumain ng mag-isa sa aming napakahabang mesa.

Hirap akong ngumuya sa pagkain dahil sa lungkot na nadarama. Sana man lang bumalik na si Papa.

O kahit si Mama.

Napatigil ako sa pagkain ng biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko ito at isang unknown number.

Sinagot ko ito.

"Hello? Sino to?" Tanong ko.

Pero walang sumagot. Pero rinig ko ang hampas ng mga alon sa kabilang linya. Tila ba nasa dalampasigan ang tao sa kabila.

"Sino po ito?" Tanong ko ulit.

Pero ni buntong hininga ay wala akong narinig. Ilang ulit kong tinanong kung sino siya pero wala akong natanggap na sagot kundi ang hampas ng alon sa dalampasigan.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko pero bigla akong nakarinig ng hikbi.

Hikbi na di ko matiyak kung kanino.

"Hello po? Sino po ba talaga to? Okay lang po kayo?" Tanong ko sa kabilang linya.

Pero as usual, hindi siya sumagot.

Ilang ulit kong tinanong pero wala parin. Kaya di na ako umimik habang pinapakinggan ang kaniyang hikbi.

"Vielle.." Tawag niya sa akin at pinatay ang tawag.

Kilala niya ako. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero nakapatay na ang kaniyang phone. Napatingin ako sa family picture namin na nasa malapit na mesa.

Can it be my Mom? Pero imposible. Bakit niya naman ako tatawagan? And one more thing, nasa ibang bansa na siya gaya nga ng sabi ng Papa ko. May iba na siyang pamilya dun. Masaya na siya.

Kung siya man ang tumawag sa akin, bakit? Bakit siya umiiyak?

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon