Sa unang araw ay wala kaming ginawa kundi ang maglibot. Bukas pa ang simula ng contest kaya nakakapasyal muna kami rito. Si Kip ang lagi kong kasama.
Si Shan? Malamang kasama ni Xia. Di ko sila mahagip pero alam kong magkasama sila.
Pagabi na at nakaupo parin ako sa isang bench. Nasa tabi ko parin si Kip na ngayon ay naglalaro sa phone niya. Madaming ilaw sa paligid. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang contest na ito. Marami rin akong nakikitang ibang delegates na naglalakad sa kung saan-saan at ang mga ibang delegates naman ay kararating lamang.
Nagvibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng isang mensahe galing kay Shan.
Shan
Balik na kayo rito. Come back with Kip.
Hinarap ko si Kip at mukhang nakatanggap din siya ng mensahe dahil nakatayo na ito. Tumayo na rin ako at bumalik na kami sa kwarto.
Nang makarating kami ay nandun na lahat ng aming mga kasama. Nandun na rin si Xia at Shan. Dumiretso ako sa pwesto ko.
Nakita ko ang pagngiti sa akin ni Xia nang paparating ako. Nagpanggap nalang ako na hindi ko ito nakita.
Kinuha ko ang towel ko upang mgshower na. Maswerte kami dahil may sarili kaming CR sa loob. Hindi na rin pinoproblema ang tubig rito.
Nang papasok ako sa CR ay siya namang pagpasok ni Shan.
"Ay, Vielle, una ka na." Sabi nito at saka umalis sa daan.
Dahil sa sobrang pagod ay kahit ang pakikipag-usap ay di ko na magawa. Pumasok na ako sa CR at isinara ito. Inopen ko ang faucet.
Bakit ganun si Shan? His actions are confusing me. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ang lahat ng mga ito. Damn, Shan. You're a damn puzzle I can't put the pieces in the right place. You're a riddle I can't solve no matter how I try. Damn, Shan. Ano bang gusto mo?
Tapos ngayon, malakas ang kutob ko na siya ang nag-uutos kay Kip na samahan ako. Pero the hell he cares? Gaaaad, Shan, what the hell?! I cannot figure it out. Ang labo. Ang labo mo.
Bigla akong nakarinig ng katok mula sa labas.
"Vielle, tagal mo naman. Patapos ka na ba?"
Boses ito ni Xia. Pinigilan ko ang sarili kong umirap. Isa pa to. Ano ba Shan? May Xia ka na diba? May girlfriend ka na diba? Pero bakit kung itrato mo ako parang iba? O sadyang assuming lang ako?
Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Patapos na." Binuhos ko ang huling tabo ng tubig sa katawan ko at nagpalit ng pantulog.
Lumabas na ako at nakita ko si Xia na nag-aabang na sa labas. May hawak rin itong towel. Nilagpasan ko lang siya na parang wala akong napansin at dumiretso sa pwesto ko.
Hindi ako naiinis sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko, sa puso ko. Kung bakit pa kasi sa mahal ng kaibigan ko ako nahulog? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit kay Shan pa tumibok ang puso ko?
"May problema ka ba? May nangyari ba?" Tanong ni Shan sa akin. Umupo siya sa tabi ko habang ako'y nakahiga na. Nasa loob ng CR si Xia. Kaya ba lumalapit na naman siya sa'kin. Damn, Shan.
"Wala. Pagod lang." Sagot ko at tinalikuran siya.
Naramdaman ko nalang ang pag-alis niya sa tabi ko. Dahil na rin sa napakaraming tumatakbo sa aking isipan ay di ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako nang may naramdaman akong tumatapik sa mga pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Shan. Agad siyang nagsenyas na huwag akong maingay at saka tinuro ang katabi ko, si Xia. Pinigilan ko ulit ang aking mata na umirap.
"Bangon ka na. Maaga pa ang contest mo." Sabi nito sa mahinang boses.
"Ayoko pa. Inaantok pa ako." Sagot ko rito at saka pinikit ang aking mga mata.
"Alas singko na Vielle. Bangon na." Pagpupumilit niya parin.
"Maaga pa." Sagot ko sa inaantok na tono.
Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at pinuwersahang hinigit pataas. Muntik na akong napasigaw ngunit natakpan agad ni Shan ang aking bibig.
"Ano ba?!" Mahinang reklamo ko.
Wala na akong nagawa kundi bumangon at magbihis. Gising na din ang iba naming kasamahan. Gigisingin ko na sana si Xia dahil pareho kami ng contest at maaga rin siya ngunit pinigilan ako ni Shan.
"Huwag muna." Sambit niya.
Hindi nalang ako umimik. Mag-aalas siyete na ng magising si Xia. Saktong nakabihis na ako, pati si Shan. Ewan ko kung ba't nakabihis rin si Shan e bukas pa ang contest nito.
"Ma'am, mauna na kami ni Vielle sa venue." Paalam ni Shan sa aming adviser.
"Ba't pati ikaw Shan? Bukas pa ang contest mo." Sagot naman ng adviser namin.
"Sasamahan ko lang po siya." Sambit nito sabay turo sa akin.
"Paano ako?" Sabat ni Xia na patungo na sa CR.
"Pasama ka nalang mamaya kay Kip." Sagot ni Shan at saka ako hinila palabas. Naging tahimik ang paligid ng naglakad kami sa hallway.
Umubo si Shan kaya tumingin ako sa kanya. Agad din akong nag-iwas. Hindi ko alam kung bakit. Parang may pumipigil sa akin na tumingin sa kanyang mga mata. Na para bang isa itong trap, na kapag nakita mo, ay mahuhuli ka.
"May problema ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman." Sagot ko sa kanya nang hindi parin tumitingin.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya ulit.
Bumuntong hininga ako at hinarap siya.
"Ano ba Shan? Bakit naman kita iiwasan?" Sagot ko na may halong pekeng tawa.
"Kung ganun, edi tara!" Aya nito sakin at hinila ako.
Hindi na ako nakapagdesisyon kung susunod ba ako o hindi dahil nga hila niya na ang kamay ko. Nakarating kami sa aming destinasyon. Ang french fries stall.
"Shan, baka malate ako sa contest." Nababahalang sambit ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Ihahatid kita sa venue 10 minutes before the contest."
"Eh yung lecture pa Shan." Dagdag ko.
"You don't need it anyway." Sambit nito sa akin at nag-order na ng fries sa tindera.
Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako sa kanya sa loob at umupo sa isang mesa. Maya-maya ay dumating na ang order namin. Nagsimula na kaming lumamon.
"Mas masarap parin sa Migoo, ano?" Sambit niya sa akin. Sinaway ko naman siya dahil baka marinig ng tindera ang sinabi niya.
"Manahimik ka nga Shan. Baka may makarinig sayo dito."
"Bakit ba? Just telling the truth." Mapagbirong sagot nito na mas nilakasan pa.
Hinampas ko siya sa balikat. Napatawa nalang siya. Tumingin ako sa relo. Start na ng lecture. Baka pagalitan ako ni ma'am.
"Huwag kang mag-alala. Pinaalam kita kay ma'am." Sambit nito habang iwinawagayway niya ang cellphone niya sa mukha ko.
Binasa ko ito at nakita ko ngang nagpadala siya ng mensahe kay ma'am.
Maya-maya ay hinila niya ako bigla pagkatapos naming kumain.
"Hoy! Saan tayo pupunta?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako sa kung saan.
"You'll see." Pamisteryosong sagot nito sa akin at pinagpatuloy ang paghila sa akin.
BINABASA MO ANG
In Another Life
Подростковая литератураSa kabilang buhay nalang, tayong dalawa lamang.