Nakarating kami sa room na wala man lang akong nakuhang sagot mula sa kanya. Kung awkward na kanina, mas naging awkward pa ngayon. Wala ni isa sa amin ang nais magsalita.
Nakainom na ako ng gamot ko kaya hindi ko na alam kung anong gagawin ko upang matakasan ang nakakailang na atmosphere na ito. Nasulyapan ko naman si Shan na nakatingin sa akin mula sa kanyang pagkakaupo.
"Kumusta naman contest mo?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
Ako naman ang gumawa ng pagkakailangan namin kanina so baka ako rin dapat ang bumasag nito. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha yung kapal ng mukha ko para umamin sa kanya.
"Okay lang naman." Sagot niya habang nakatingin sa sahig.
Napatango nalang ako dahil hindi ko na alam kung kailangan ko pa bang ipagpatuloy yung usapan namin.
"Ikaw? Kumusta naman contest mo?" Pahabol niyang tanong sa akin.
Ipinusod ko ang aking buhok at saka sumagot. "Okay lang din."
Hindi ko alam kung paano lilipas ang araw na to dahil sa nangyari. Hindi ko rin alam kung paano namin haharapin ang mga susunod pang araw na kami ang magkasama. Mali nga bang inamin ko ang nararamdaman ko?
Wala naman sigurong mali sa pag-amin pero siguro yung timing ang mali. Pero kung hindi ngayon, kailan pa diba? Malakas kasi yung posibilidad na pagkatapos ng contest na ito, kung hindi kami papalaring manalo, pati kami magtatapos na rin.
We will part ways, sa aming kanya-kanyang destinasyon. Siya bilang SSG President at ako bilang ordinaryong estudyante. I would never have the chance to confess kung ganoon nga ang kahihinatnan namin. And besides, pagkatapos nito, siguro naman mawawala din yung nararamdaman ko.
"Yung kanina.. Vielle.."
Nagulat ako nang marinig ko siyang magsalita. He's trying to talk to me tungkol sa nangyari kanina. Should I let him go on?
"It's okay Shan. You don't have to answer it naman eh."
Dali kong kinuha yung bag ko at naglakad patungo sa pinto.
"Nagugustuhan na rin kita Vielle. Mahirap man paniwalaan pero ito yung totoo."
Napahinto ako bigla sa pag-alis. Nanlamig ang buong katawan at mga kalamnan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko na para bang humiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko.
Heto yung mahirap sa pag-amin eh. I have the guts to confess pero kapag nagconfess na pabalik yung tao, hindi ko na alam yung gagawin ko.
"Lahat ng pinapakita ko sayo ay ginugusto ko. Lahat ng yun, galing sa puso ko. Kung anong pinapahiwatig ng mga ginagawa ko, ay yun ang pinapahiwatig ng puso ko."
Napalunok ako sa mga sumunod na salitang sinambit niya. Now, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mananatili nalang ba ako dito? O aalis ako at hayaan siyang maiwan sa loob?
"I like you. Alam ko ang hirap paniwalaan kasi I'm in a relationship at alam mo yun. But I do really like you Vielle. It's just that I like her more."
I looked back and smiled. Para lang maassure ko siya na everything's okay at naiintindihan.
"It's okay Shan. You don't have to like me dahil gusto kita. It's really okay. I understand."
"No, Vielle. You don't understand. Oo, nung una akala ko gusto lang kitang kasama, na gusto lang kitang maging kaibigan. Pero habang tumatagal, hinahanap na kita. Gusto ko ako lang naghahatid sayo. Gusto ko ako lang kasama mong kumain ng streetfoods. Gusto ko akin ka lang... Hindi pa ba yun sapat para sabihing gusto kita?"
My smile faded. Ewan ko, pero it doesn't seem so right. Alam kong mali. Mali na gusto ko siya and the fact na he's confessing right now. Mali ang lahat ng 'to.
"Shan... You're in a relationship. And I am a friend of your girlfriend. Hindi mo ba nakikita kung anong mali?"
Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kaniyang kamay.
"Ofcourse Vielle... I know what's wrong! Alam kong mali! Alam ko naman e... It's just that... hindi ko alam paano tumigil. Sa bawat araw na kasama ka, mas lalo lang akong naguguluhan."
Tumingin ako sa sahig na hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon na 'to.
"Shan, siguro nasanay ka lang na kasama ako. Matatapos na ang contest na to. Hindi ko alam kung mananalo ako, mananalo ka, o mananalo tayo pareho. Pero pwede bang tapusin na rin natin to kasabay ng pagtapos ng event na to? Ayoko kasing maipit sa sitwasyong ito. I just feel like... I don't deserve this."
He looked at me. At ilang segundo pa ang lumipas bago siya tumango.
"Okay... sorry."
Ngumiti ako at umalis. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Basta feeling ko lang kailangan kong umalis sa lugar na yon.
I called Kira. Kailangan ko lang ng kausap para naman mabawasan yung lungkot. Akala mo naman talaga nakipagbreak sa jowa, ano? Hindi ko naman jowa.
"Hoy Ga!! Napatawag ka???" Bungad ni Kira sakin sa kabilang linya.
"Oo. Ako na mag-aadjust. Mukha wala kang balak kumustahin ako, diba?"
"Ay, kailangan ba yon????"
Napairap nalang ako. Hindi ko alam kung paano mag-oopen up sa kanya or paano ko sasabihin. She doesn't know anything. Hindi nga ako nagkwekwento sa kanya eh, so paano?
Habang nag-iisip ako kung paano sasabihin sa kanya, nagsalita naman siya sa kabilang linya.
"Oh, musta na kayo ng iyong love of your life? Level up na ba?"
"Huh? Sinong tinutukoy mo?"
"Hala! Sino pa ba? Edi si Shan! Akala mo di ko alam? Lagi kong napapansin kayo magkasama sa school e, tapos magkasama pa kayo ngayon. Ano, jowa mo na?"
"Tanga, may jowa yun." Napatakip ako ng bunganga ko nang mapagtanto ko kung anong nasabi ko.
"Huh??? For real? Sino? Wala akong nabalitaang ganyan."
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo. Pero, mapagkakatiwalaan naman to. Siguro naman hindi niya ipagkakalat.
"Kira.. makinig ka. Hindi man nila sinasabi pero believe me, they are in a relationship. Shan and Xia. Pero please please please, wag mo ipagsasabi kahit kanino. Ako lang kasi nakakaalam kasi nahuli ko sila one time. So, shut up ka lang, okay?"
"Aww, that's sad. I really thought you had a thing already. Mali na naman ba ang napana ko? Mukhang napana na pala, pinana ko pa ulit hayy."
"That's the thing." I said over the phone.
Siguro ganon nga ang nangyari. May mahal na siya nung una tapos dumating ako. Luh, baka siya yung mali? Di ko naman siya magugustuhan kung hindi siya nagpapakita ng motibo, hindi ba? Anong akala niya dalawa puso niya? Di ko naman ata deserve ang kalahating pagmamahal.
Kwinento ko lang kay Kira lahat ng nangyari hanggang sa nangyari kanina. Naupo lang ako sa isang bench habang kausap siya.
"Ay girl, tama nga na stop niyo na yan. Friend mo pa naman si girl. Mas mabuti ng tigilan na habang di pa naman malala."
"Kaya nga e. Ayoko namang maging kabit, duh? Ikaw, baka gusto mo?"
"No, thanks. Tatanda nalang akong dalaga."
Tumawa lang ako at nagpaalam na. Gumaan ang loob ko nang makapag-open up ako sa kaibigan ko.
Naglibot lang ako mag-isa at naghanap ng souvenir para kay Kira and para na rin sa self-proclaimed boyfriend ko. Hays, I missed Kip's company.
Nang makapamili na ako ay naisipan ko ng bumalik sa room. Shan is there pero di ko nalang pinansin dahil may katawag siya. Probably Xia. Nang makita niya ako ay lumabas siya ng kwarto upang ituloy ang pakikipag-usap.
Now, I can think peacefully. Shan was too good for me. Or was he too bad?
I guess, this is just a silly crush and such. Lilipas din to.