After that call, namasyal na ako sa mga stall na nandito. Nagbabaka sakali rin akong mahagilap ko si Shan. Who knows diba? Malay mo naghahanap din siya ng mga souvenir for his friends.... and Xia.
I went to a stall na punong-puno ng stuff toys and some other comfy things. I saw a cute pikachu na nakadisplay and naisip ko si Kira. Speaking of that bitch, she doesn't even have the guts to call me or kumustahin man lang ako. And worse, wala man lang akong natanggap na goodluck or any words of encouragement galing sa kanya. Is she even my friend?
Nonetheless, binili ko parin yung pikachu for her. At sana ngayon, makatanggap naman ako ng salitang pasasalamat. Knowing that girl, she's all fed up with her hula thingy and all the "feeling kupido" stuff.
Babayaran ko na sana yung stuff toy na napili ko nang maagaw ng pansin ko ang isang super cute na pusang stuff toy na may nakalagay sa damit neto na "you are purrfect".
I love cats, eventhough I don't have one. Mula kasi nung namatay yung dati kong pusa, hindi na ako nagkaroon ulit. I was about to get that stuff toy dahil medyo malayo to sa kinaroroonan ko pero nauna itong nakuha nung babaeng mas malapit dito.
Pinagmasdan ko lang siya habang kinikilatis niya ang pusang iyon wishing na sana hindi niya magustuhan at maisipan paring ibalik. But kinuha niya ito at binayaran kay kuyang nagtitinda.
Lumapit ako kay kuyang nagtitinda at nagtanong.
"Kuya, mayroon pa po ba kayo nung stuff toy na pusa na nabili nung babae kanina?"
"Wait lang po ma'am at maghahanap ako." At naghanap nga siya sa mga nakadisplay at nakastock pero wala siyang nahanap.
So, ang ending hetong pikachu lang ang nabili ko from that stall.
My phone rang and I hope it's not Kip. And super thanks, because it was Shan.
"Nasaan ka?" He asked.
"Nasa labas ako. Why? Nasa room ka na ba?"
"Yeah. Kararating ko lang. Sana sinabi mo sa akin na nasa labas ka para nagsabay na tayong bumalik."
"Hinahanap kita. Pero di kita mahagilap eh. Di ko naman inexpect na ganito pala karami yung tao dito."
"Edi sana tinawagan mo ako."
"Hindi ko yun naisip eh."
"Nasaan ka? Puntahan kita."
"No, hindi na. Pabalik na rin ako sa room."
"Okay." And then he hang up.
At naglakad na nga ako pabalik sa room gaya ng sinabi ko kay Shan. And here we go again walking alone in this creepy (but not really) way.
Malapit na ako sa Chemistry lab ng nagpatay sindi ang mga ilaw.
"AHHHHHHHH!" Sigaw ko agad.
Sino ba naman ang hindi matatakot kung biglang magpatay sindi yung mga ilaw dito sa dinadaan ko? AT MAG-ISA PA AKO! Ni wala nga akong marinig na ingay kundi yung mahinang tugtog galing sa sound system ng school. Kung bakit ba naman kasi dito pa kami nailagay.
Then I heard footsteps walking towards me. What the hell? Do I need to scream to scare this person? Tao nga ba to? Or baka hindi na to tao!
I checked for my phone at inopen ang flashlight ko pero dahil natataranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko, I dialled Shan's number.
And a phone rang near me. "SHAN??" I asked.
"You don't have to call me, nandito na ako."
"Gosh thank you! Bakit ka nga pala nandito?"
"I heard your scream. At alam ko namang matatakot ka on the way kasi nagpatay sindi rin yan kaninang pabalik ako. Sabi kasi sayo sunduin na kita eh."
"Hindi mo naman kasi sinabing ganito pala dito."
At biglang nagpatay sindi ulit ang mga ilaw.
"Tara na. Baka mabulabog natin sila." Aya niya sa akin.
"WHAT THE HELL! Sinong sila?"
"Who knows. Nandiyan lang sila, sa tabi mo o sa tabi ko."
"SHAN! Stop it, hindi ka nakakatuwa."
"Halika na nga!" And he held my hand (more like my wrist) and guide the way.
Bumibilis na naman ng bumibilis. Nawala na ako sa sarili ko na para bang tinatangay na ako ng hangin sa sobrang gaan sa pakiramdam. Kahit siguro may magpakitang multo sa harapan namin, hindi na ako matatakot. With him, I feel safe.
Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa room namin. Wala pa naman si ma'am kaya ligtas na ligtas kami.
Inayos ko yung pinamili ko at itinabi sa aking bagahe. Nahagilap naman nung mata ko ang mga supot na nabili ni Shan. Nasa tabi ko lang din kasi yung higaan niya. At nakita ko ang isang pamilyar na bagay.
Yung pusang stuff toy! Nasa loob ng supot niya. Bakit meron siya nun? Para kay Xia?
"Para sayo nga pala yan." Sambit ni Shan habang umupo sa higaan niya sabay abot nung pusang stuff toy.
Nabasa niya ba yung iniisip ko? O nakita niya yung sinasabi ng mata ko? Nevermind, pero sa akin daw yun... O M G, is this for real?
"Talaga?"
He nodded at ipinakita pa ang isang pusang stuff toy. "Buy one take one sabi ni kuyang nagtitinda eh. So dalawa nakuha ko. Para kay Xia tong isa, gustong gusto nun ng pusa eh."
"Ahh, ganun ba. Thank you." Sabi ko but deep inside nasaktan ako.
Hindi niya naman pala intensyon na bigyan ako neto. Sadyang napilitan lang ba? Mema lang? Eh bakit di niya nalang ibigay kay Xia yung dalawa diba?
"Nagustuhan mo ba? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo."
Ikaw ang gusto ko.
"Oo naman, I love cats. I used to have one kaso namatay siya and mula noon, wala na akong alaga."
"You want to have one? Pwede kong kausapin si Xia na bigyan ka kasi kakapanganak lang nung pusa niya."
Xia again. Sa tingin mo, makakaya kong tanggapin yun na galing sa taong mahal ng mahal ko? Baka nga hindi ko na yun maalagaan at mapatay ko na agad.
O pwede rin yung unti-unti kong papahirapan. Hindi ko papakainin hanggang sa manghina at maghingalo.
At bakit nga ba ako ganito kay Xia? Wala naman siyang kasalanan. Ang sama ko namang kaibigan kung kamumuhian ko siya kasi siya yung taong mahal ng mahal ko. Mabait naman siya sa akin, at alam kong totoo siyang kaibigan. Hindi niya naman siguro sasabihin sa aking may relasyon sila ni Shan kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan.
"Ayoko muna sa ngayon. Baka hindi ko rin maalagaan." Tugon ko sa kanya.
And let's separate yung friendship ko with her sa love triangle naming tatlo. I like her as my friend pero ayoko sa kanya bilang girlfriend ng taong mahal ko. Pero ang hirap kasing ihiwalay nung friendship ko sa kanya at sa relationship naming tatlo. Alam ko ang labo, kasi mismong sa pananaw ko, sobrang labo.
Normal lang ba na magalit ka sa girlfriend ng mahal mo? Ewan ko! Basta ang gulo. Basta ang alam ko, I'm stuck between them. At kapag pinili ko ang side papunta kay Xia, ibig sabihin nun suko na ako kay Shan. At kapag kay Shan ako pupunta, mawawala ang pagkakaibigan namin ni Xia.
"Matulog na tayo. Nandito na si coach in a few minutes." Sabi niya habang inaayos ang higaan.
"Oh okay."
"Goodnight Vielle. Goodluck sa atin bukas!"
"Goodnight din." I said at tumalikod na siya sa akin.
And here I am, staring at his back. I would love to hug you. Pero bakit laging may harang?
Yung pusang stuff toy na para kay Xia, nakaharang kasi sa pagitan namin.